Mabilis kong inagaw ang cellphone ni Cilla nang sabihin iyon ni Hestia. "Anong ibig mong sabihin, Hestia?" mariin na tanong ko. Napatingin muli ako sa monitor at hinanap ng paningin ko si Hestia sa kabuuan ng HIU ngunit hindi ko man lang siya makita. "You know what I meant, Kird. Do you think you could really trust me?" Bakas sa tono ng boses niya ang pang-aasar nang sabihin niya ‘yon sa’min. Naka-loud speaker ang cellphone ni Cilla kaya naririnig ngayon ng mga kasamahan ko ang sinasabi niya. "Get straight to the point, Hestia. What do you meant by what you said earlier? What about our information?" tanong naman ni Wren sa kaniya. Sinenyasan ko si Seven na i-track ang lokasyon ni Hestia ngayon kaya iniabot ko sa kaniya ang cellphone ni Cilla para magamit niya roon ang potensyal niya. "

