Shape-shifting

2901 Words

Nakaupo siya sa harap ng monitor, kung nasaan ang pwesto kanina ni Seven noong iniwan namin siya. Walang emosyon niya akong nilingon. "What do you mean?" tanong niya pabalik sa akin. Nagtataka niya akong tinitigan na para bang may mali akong natanong sa kaniya. Pinakiramdaman ko ang buong bahay. Wala akong kakaibang presensya na nararamdaman. Ang presensya ni Seven ang nararamdaman ko rito sa computer room ngunit hindi ko siya makita. Ang presensya ng director na nasa harapan ko ngayon ay hindi ko man lang maramdaman. Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya para hindi ko maramdaman ang presensya niya. Ngunit bakit wala siyang dalang mga guwardiya niya? O baka katulad niya, hindi ko na rin sila maramdaman. "Paano ka nakapasok dito?" Inihanda ko ang sarili ko sa mga posilidad na pwede niyang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD