Kabanata 2

2059 Words
Aria Kinukumpas ko ang bawat hininga na binubuga ko dahil pakiramdam ko bilang na bilang din yun ng aking katabi. Nakapikit ang mga mata niya habang nakasandal ang ulo sa headrest ng inuupuan. Umaalog-alog ng bahagya ang inuupuan namin dahil sa lubak na kalsadang dinaanan. Pang-limang araw ko ngayon sa DSC at papunta kami sa charity event kung saan big guest si Sir Vaughn. Pagkatapos ng nangyari noong isang kagabi sa meeting at sa pagdantay ng kamay niya sa tuhod ko, naging mailang ako sa kanya. Wala akong ideya kung paraan niya lang ba yun para maging panatag ako kagabi o ano. Nakakalito. Nagugulo ang isipan ko. Kinukwestyun ko ang sarili kung gano'n din ba siya sa ibang secretary niya? Kay Miss Clara kaya? Napatitig ako sa mukha niya. Kahit nakapikit siya, kitang-kita ko pa rin ang bangis niya. Umiigting pa rin ang mga panga kahit natutulog. Ang mga kilay bahagyang nagsasalubong sa tuwing nag pi-preno ang driver. Sobrang tangos ng ilong niya na kahit pindutin ang tungki nito, masasaktan ka lang dahil sa katangusan nito. Medyo malalim ang mga mata niya kapag nakamulat. Nakakatakot nga lang titigan dahil parang palaging madilim kung tumingin. Yung mga hibla ng balbas niya, makakapal na rin. Nagkaroon tuloy ako ng pagtataka at katanungan sa sarili kung hindi ba siya nangangati dahil sa mga balbas niya? Halatadong alaga naman sa shave pero parang pakiramdam ko lately hindi niya pinagtuunan ng pansin na ahitin ang mga iyon. Tumigil ang kotse kaya napatingin ako sa labas ng bintana. Traffic at nasa kahabaan kami ng highway. Hindi ko makita ang reaksyon ng driver dahil may partition sa pagitan namin. Hindi maiipagkaila na mayaman talaga ang nagmamay-ari ng sinasakyan namin dahil bukod sa driver, may isa pang lalaki ang naroon sa harapan tapos may dalawa pang magarang kotse ang nakabuntot sa hulihan namin. Medyo risky pala ang maging assistant secretary nito. Palakasan na lang talaga ng loob. “Find a f*****g way to avoid traffic, James!” Nagulat ako bigla ng marinig ang pagiging iritado niya. Nakapikit pa rin siya pero magkasalubong na ang mga kilay niya. Narinig kong sumagot ang driver bago inatras at inabante ang sasakyan. May nilusutan ito at diretso na ang takbo. Tiningnan ko ang oras sa tablet at maaga pa naman. May dalawang oras pa kami pero parang galit siya sa mga late comer na tao. Gusto ko sabihin sa kanya na maaga pa naman kaso natatakot ako at baka sa akin naman siya magagalit. Huminga ako na kontrolado lamang ang pagbuga. Bahagyang bumilis ang takbo ng kotse kaya kailangan kong dumikit sa bintana na nasa gilid ko para tumimbang ang balanse ko. Nagtagumpay ako at nakahinga ng maluwag. Malaki na ngayon ang space na nasa gitna namin. Narinig ko siya na huminga ng mabigat bago nagmulat ng mga mata. Napalunok ako ng sa akin siya tumingin. Sinuyod niya ang kabuuan ko na parang ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na tingnan ako. Ini-eksamin ang suot ko at ng mapansin na hindi ito kaaya-aya sa mga mata niya, biglang dumilim ang paningin niya. “You know that bastard is there right?” kwestyun niya. Alam kong si Mr. Salvador ang tinutukoy niya kaya tumango-tumango ako. “Yes, Sir.” Natatakot kong tugon. Tumaas ang isa niyang kilay. “Then why are you wearing it like that? Palitan mo ‘yan.” Nabigla ako at napaawang ang bibig. Gusto kong mag react na may boses kaso bigla akong nawalan ng tapang. “P-pero…Sir, wala po akong baon na extrang damit.” Okay naman ang suot ko. Hindi revealing at parang suman na nga ako dahil hanggang bukong-bukong ko ang hem ng dress na suot. Long maxi dress ang suot ko. Mahaba din ang sleeve nito pero may pagka-v-neck nga lang ang harapan. Naka-half ponytail ako at may kahabaan ang buhok ko kaya natatakpan pa rin ang partent dibdib ko.Dahil siguro doon kaya ayaw niya. “Sinabihan na kita kagabi diba?” “Yes, Sir.” Nakayukong sagot ko. Namula ang mga daliri kong napisil ko dahil sa takot na baka hindi lang ito ang maaktuhan ko dahil sa suot ko. Charity ball ang pupuntahan namin kaya bakit ako magsusuot ng hindi pormal. Ano gusto niya magpapantalon ako? Ayaw ko naman na pag-usapan ako doon lalo na at kilalang tao ang kasama ko. Ginawa ko ang best ko na maging komportable sa isusuot ko at sa itsura ko. Yung tipong kahit mahirap lang ako pero elegante naman tingnan kapag ganito ang suot. Mabigat siyang huminga na parang katapusan na ng mundo. “If you don't like me to change what you're wearing then stay beside me and don't approach anyone without my permission.” Banta niya. Hindi agad ako nakasagot dahil iniisip ko na baka mas lalo ako mawala sa sarili mamaya dahil siya ang kasama at katabi ko. Kinakausap ko nga lang siya sa malayuan parang masusuka na ako dahil sa takot tapos yun pa kaya na limang oras ako na nasa tabi niya lang? “Aria.” Untag niya sa akin na nag patango agad ng ulo ko. “Noted, Sir.” “Especially Salvador.” “Y-Yes, Sir.” “I can punch him non-stop until he loses his breath.” May diin niyang sabi bago ulit ipikit ang mga mata. Napakurap-kurap ako dahil sa sinabi niya. Alam kong seryoso siya. Umaaktibo ang pagiging mabangis niya. Nanlamig bigla ang mga kamay ko at kailangan kong kagatin ang ibabang labi para mapigilan ang panginginig ng bibig ko. Oo na. Bubuntot ako ng bubuntot sa'yo para lamang hindi ka makagawa ng gulo. Kahit labag sa kalooban ko na dumikit sa'yo, gagawin ko pa rin. Magdudulot ng gulo at kahihiyan kung sakali na hindi ko siya susundin. Inaalagaan niya lang ang pangalan niya at imahe at bilang assistant secretary niya, karapatan ko na sundin siya para na rin sa ikakatahimik. “Shesh! Good evening, brother.” Bati sa amin ng isang lalaki ng makapasok kami ng hall. Nakipagkamay si Sir Vaughn bago tinapik-tapik ang balikat ng lalaki. Dumako sa akin ang paningin nito. Ngumiti siya sa akin bago tumingin kay Sir Vaugh. “I didn't know that you–” “She’s my new hired assistant, Dave.” Bali niya sa sasabihin nito. Tumango-tumango ang lalaki bago ngumisi. “Magaling maghanap si Clara, huh?” “Shut up, Dave.” Banta niya. Pumalatak ng tawa ang lalaki. “By the way…I’m Dave Ismael Xander De Sevilla,” pakilala nito sa akin bago nag lahad ng kamay. Dave Ismael Xander De Sevilla… Tumingin muna ako kay Sir Vaughn. Hindi siya nag react. Kailangan ko sana humingi ng pahintulot kaso nakita kong umigting lang ang mga panga niya. Peke akong ngumiti bago inabot ang kamay ng lalaki kaso inunahan ako ni Sir Vaughn. Siya ang umabot ng kamay ni Sir Dave. Nakita ko ang diin ng paghawak niya sa kamay nito ngunit hindi man lang iniinda ni Sir Dave bagkus ngumisi lang ito. "Go away. Face your clients and tend to your partners. You're done here." “Okay.. Okay, Lord.” Natatawang suko nito at may pagtaas pa ng dalawang kamay. Sa palagay ko hindi sila match. Si Sir Dave medyo pilosopo pero hindi saknong ang mundo samantala si Sir Vaughn nilahat na. Nag excuse si Sir Dave pero bago siya umalis nginitian niya ulit ako at naglapag ng kanyang pasasalamat dahil sa pagdalo namin sa charity event niya. Nakukuryuso ako kung mag kaano-ano sila ni Sir Vaughn pero natatakot ako magtanong. Hindi sila magkamukha pero parehas sila ng middle initial at apilyedo. Nakasunod lang ako kay Sir Vaughn. Ilang dangkal lang ang layo ko sa kanya. Kapag napapatigil siya ng paglalakad para bigyan pansin ang mga nag a-approach sa kanya, bumubunggo ako sa malapad niyang likuran. Awtomatiko rin ako na dumistansya. Hindi ko dala ang tablet dahil hindi naman meeting ang pinuntahan namin. “Look who's here now, Fabio!” gulantang na sabi ng isang magandang Ginang ng makita si Sir Vaughn. Ang ganda niya kahit maputi na ang mga buhok. Para siyang mamahalin na dyamante at nakakatakot hawakan. Bumeso siya kay Sir Vaughn bago yumakap. May isang matandang lalaki na lumapit at niyakap si Sir Vaughn at tinapik sa likod ng tatlong beses. Hindi nila ako nakita dahil agad akong dumistansya kay Sir Vaughn. Sa ibang direksyon ko binaling ang paningin pero panaka-naka ko silang tinitignan. “Good evening, Sir and Madame, De Sevilla.” Narinig kong bati sa kanila ni Sir Vaughn. Tumawa ng mahina ang Ginang. Ang Ginoo naman ay kinamayan ulit si Sir Vaughn. “We miss you, Son… Akala namin busy ka na ulit para hindi makadalo sa charity ball ng kapatid mo.” Son. Kapatid.. Mga magulang niya? "That's not what it looked like, Sir. I was on a business trip when Ronan hosted his charity gala." Humalaklak ang Ginoo. Tinapik ulit nito sa balikat si Sir Vaughn bago tinungga ang baso na may laman na alak. “I know.. I know, Vaughn. By the way, who's with you now? I don't see Clara.” Nataranta ako bigla kaya tumalikod ako. Narinig kong sumegunda ng pagsang-ayon ang Ginang kaya mariin kong nakagat ang ibabang labi. Narinig ko ang malakas na pag tikhim ni Sir Vaughn. Parang nakabaling siya ngayon sa gawi ko kaya nilingon ko sila matapos ayusin ang sarili. Namilog ang mga mata ng Ginang ng makita ako habang ang Ginoo naman ay kalmado lang. “I’m with my new hired assistant, Madame, Sir. She's..Aria.” Pakilala niya sa akin. Hindi siya nakatingin sa akin pero ang mahaba at maugat niyang kamay ay nakalahad papunta sa aking direksyon. Inisang hakbang ko ang pagitan namin at nahihiyang ngumiti sa mga kausap niya. "Good evening. I'm Aria Lane Morales, Mr. De Sevilla's new executive assistant. It's a pleasure to meet you, Ma'am, Sir." Inabot ng Ginang ang kamay kong nakalahad. “Aria Lane Morales…” sambit niya sa buo kong pangalan habang titig na titig sa Ginoo at saka inilipat kay Sir Vaugh ang mga mata pero hawak pa rin ang kamay ko. “Nice to meet you, Aria…” Nakangiti niyang sabi. Napangiti ako pagkatapos namin mag kamay pero ang titig sa akin ng Ginoo parang ini-eksamin ang buo kong pagkatao. Naramdaman ko ang kamay ni Sir Vaughn na humapit sa manipis kong bewang kaya napasinghap ako. Napatingin ang Ginang sa ginawa ni Sir Vaughn. Nahihiya itong ngumisi bago tiningnan ang Ginoo. Sa likod ng pagiging kabado ko dahil sa panunuri nila sa akin, nakaramdam ako ng pagka-kalma lalo na ng inumpisahan ni Sir Vaughn na hagurin ng mabini ang likod ko. Tanging see through na tela lang ang nakaharang sa balat ko at ramdam na ramdam ko ang mainit nitong palad at ang hinalalaki nitong hindi mapirme sa pag galaw. I feel safe and calm again because of his warm but hard touch. "If you'll excuse us, Madame, Sir, I'd like to network with some colleagues and peers." Binigyan daan kami ng Ginoo at Ginang na sa tingin ko ay mag-asawa sila. Nasa manipis na bewang ko pa rin nakalapat ang mainit na palad ni Sir Vaughn. Hinayaan niyang makita ng ibang guests at kilalang mga businessman kung nasaan ang kamay niya. There's an undeniable aura of power surrounding him, a palpable sense of command that demands attention and respect. His presence is imposing, and I can sense the depth of his control. Nakita kong papalapit sa gawi namin si Mr. Salvador matapos umalis ng isang businessman na kausap ni Sir Vaughn. Pasimple ko siyang tinignan at nakita ko kung gaano kadilim ang mga tinginan niya kay Mr. Salvador habang umiigting ang mga panga. Dumidiin ang kamay niyang nakasapo sa bewang ko. Nararamdaman ko ang tensyon habang palapit ng palapit si Mr. Salvador. Huminga ako ng malalim para itaboy ang nararamdaman na kaba pero talagang inaalipin pa rin ako ng takot at tensyon. “Try to greet him or even just glance at him. Just try it. One wrong move, one wrong glance, and I'll take him down. I'll crush him with my fist and you'll see what happens when I unleash my wrath." Mariin niyang bulong sa akin na halos kapusan na ako ng hininga dahil sa mainit niyang hininga na malayang pumapasok sa loob ng tenga ko. Nanginig ako at hindi ngayon makatingin sa papalapit na si Mr. Salvador dahil sa mga banta ni Sir Vaughn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD