Aria
Madaling araw na ng maihatid ako ng driver ni Sir Vaughn. Inutusan niya si James na ihatid ako sa amin at huwag aalis hanggat hindi ako nakapasok ng bahay.
Bukod kay James at sa isa pang kasama nito palagi, may dalawang kotse pa ang bumubuntot sa amin. Hindi ako naging komportable sa loob ng mahabang byahe namin papunta sa aming bahay. Hindi ako makasalanan na tao. Wala akong atraso sa ibang tao. Wala akong pinagkakautangan na mayaman na tao at higit sa lahat hindi ako mayaman at hindi rin sindikato para palibutan ng mga taohan niya. Natatakot ako sa kanila lalo na kay Sir Vaughn dahil pakiramdam ko palaging may masamang mangyayari sa akin o sa amin dahil sa mga tauhan niyang sandamakmak.
Oo, mayaman siya. Negosyante at kilalang tao at para sa kanya lang dapat bumubuntot ang mga tauhan niya. Nagtatrabaho sila para sa kanya at gano'n din ako pero magkaiba ang katayuan ng bawat isa sa amin. Parang palaging delikado ang paligid ko kapag may bumubuntot sa akin.
Kinamusta ako ni Mama tungkol sa pinuntahan kong charity ball. Ang sabi ko ayos lang at may natulungan na namang charity ang kapatid ng boss ko. Pero ang hindi niya alam na kabaliktaran ng ayos lang ang takot na naramdaman ko kagabi ng bantaan ako ni Sir Vaughn. Parang gusto ko siyang sumbatan kagabi at umuwi na lang at mag awol sa trabaho dahil mga pinangbabanta niya kay Mr. Salvador.
Walang ginawang mali kagabi si Mr. Salvador maliban sa hindi maalis-alis ang paninitig sa akin. Sinunod ko ang gusto ni Sir Vaughn. Wala akong ginawang labag sa mga sinabi niya pero hindi ko na kasalanan kung bakit dikit ang tingin sa akin ni Mr. Salvador. Dumagdag pa si Sir Dave na panay-panay ang lapit sa akin at hindi mapigilan ang pagkatabil ng dila para purihin ako at sabihing sinsero siya sa mga sinasabi niya sa akin. Lahat ng ‘yon ay naririnig ni Sir Vaughn kaya nagdagdagan ng nadagdagan ang yamot kay Mr. Salvador. Napuno siya hanggang sa inatake niya ng suntok si Mr. Salavdor. Nagkagulo sa charity ball ni Sir Dave at mabuti na lang tapos na ang okasyon bago nangyari ang insidenteng iyon. Ayun, naka-confine si Mr. Salvador dahil sa matinding natamo.
Ako ang humingi ng tawad kay Sir Dave at sa magulang nila. At kahit gusto ko man personal na humingi ng tawad kay Mr. Salvador hindi ko magawa dahil hindi rin ako pinahintulutan ni Sir Dave. Siya na lang daw ang bahala na kumausap sa negosyante. Sobrang nakakahiya. Hindi ko sukat akalain na totohanin ni Sir Vaughn ang mga banta niya sa negosyanteng iyon. Habang pinapakalma si Sir Vaughn ng mag-asawang De Sivella, ako naman ay personal na kinausap ni Sir Dave. Humingi siya sa akin ng pasensya dahil sa pinapakitang ugali ng kanyang kapatid. Simula’t-sapul daw ay gano'n na iyon. Nakamulatan niya na raw na mabangis si Sir Vaughn. Kahit siya ay tinitimbang din muna ang lakas ng loob bago gumawa ng hindi maganda pagdating sa kanyang kapatid. Hanggang sa nasanay na siya. Nalaman ko na sa likod ng pagiging mabangis nito ay may matinding rason kung bakit siya gano'n sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kaya niyang magmanipula ng tao. Kinokontrol niya ang kaya niyang kontrolin at isa na ako do'n.
Pumasok ako ng hindi ko muna inalam ang totoong ugali ni Sir Vaughn. Kailangan ko ng pera para sa pagpapa-opera ni Mama kaya kahit nakakatakot, paninindigan ko na lang ang trabahong pinasok ko. Malaki ang sahod bilang assistant secretary ni Sir Vaughn at maganda ang benefits ng DSC kaya hindi ko na pinag-isipan pa at nag apply na agad ako. Yung mas nagpa-excite pa nun sa akin ay yoong healthcard ng kumpanya na pwedeng gamitin at isangay ang magulang. Kabawasan para sa akin kung sakali na matatanggap ako dahil makatira-tira na si Mama sa ospital dahil sa sakit niya sa bato. At ngayon na cover ko siya kaya hindi ko na naiisip na umalis sa trabaho kahit natatakot ako dahil sa pagiging mabangis at mapag-kontrol ng boss ko.
Kagaya ng nakagawian ko, maaga akong nakakarating ng opisina. Wala pa masyadong empleyado ng sumakay ako ng elevator. Hanggang sa makarating ng 13th floor, wala na akong nakasabay sa elevator. Proud ako sa sarili ko kapag gano'n at pwede na akong bigyan ng medal para sa pagiging most punctual.
Napawi ang ngiti ko ng makapasok ako ng office ko, nakita ko agad si Sir Vaughn na nasa kanyang opisina na. Palibhasa ay nakataas ang blinds kaya kitang-kita ko siya. Para siyang nagtitimpi lang sa pagiging iritado niya. Kaharap niya ang laptop at may kung anong binabasa doon. Para makaiwas sa masamang pangitain, dali-dali kong inabot ang tali ng blinds para ibaba ito kaso natigilan ako ng dumako sa gawi ko ang paningin ni Sir Vaughn.
Biglang nag-iba ang awra niya pero naro'n pa rin ang masakit na tinginan. Unti-unti kong hinihila pababa ang tali ng umiwas ako sa kanya pero nagulat ako ng biglang tumunog ang intercom. Tinignan ko siya at nakita kong madiin siyang nakahawak sa button ng intercom niya. Nabitawan ko ang tali ng blinds at pinindot ang intercom.
“Roll it up again.” May diin niyang sabi. Nilingon ko siya at saglit niyang tinapunan ng tingin ang blinds na kalahati na ang nakababa.
“Y-yes, Sir–”
“Then come here.” Saka pinatay ang intercom.
Mariin kong nakagat ang ibabang labi bago pumihit paharap ng partition. Nakade-kwatro siya ngayon habang pinagmamasdan akong dahan-dahan na hinihila pataas ang blinds. Ang magkabila niyang mga kamay ay nakapatong sa bawat armrest ng kanyang swivel chair. Isang nakakatakot na naman na hari ang nakamasid sa akin.
Tuluyan ko ng naitaas ang blinds at kitang-kita ko sa itsura niya ang satisfaction dahil sa kagustuhan niyang nasunod.
Kabado akong pumasok sa opisina niya matapos kumatok ng tatlong beses. As usual hindi siya marunong tumugon. Madiin ang pagkakahawak ko sa tablet ng makita siyang tumayo sa kina-uupuan niya at dumiretso ng lakad papunta sa kinatatayuan ko. Nadipina ako at hindi nakagalaw ng basta niya ako hapitin at idikit sa pader. Ang isa niyang kamay ay nakasapo sa manipis kong bewang. Sana hindi ko mabitawan ang hawak ko.
Nahigit ko ang aking hininga ng maramdaman ang tungki ng kanyang ilong na lumapat sa tungki ng ilong ko.
“Why do you always roll down the blinds without asking my permission first?” namamaos niyang ani.
Hindi pa rin ako makagalaw at mas lalong hindi nakahinga ng ilang segundo dahil sa tindi ng lapit niya sa akin. Kulang na lang ay maglapat ang mga labi namin. Dumagdag pa ang hininga niyang tumatama sa ilong ko. Kung hindi niya lang ako hawak, baka siguro natumba na ako!
“S-sorry po…Next time, I-i will ask you first, S-sir.”
Nauutal kong tugon. Nakakaduling ang tumitig sa kanya kaya ibinaba ko ang paningin kaso sa labi niya naman tumama ang paningin ko. Napalunok ako dahil bahagya itong umawang. Bumalik sa kanya ang paningin ko pero…siya naman ngayon ang nakatingin sa bibig ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya inikom ko ng sobrang diin ang mga labi ko.
Then his face creased into a knowing smirk.
Humigpit pa lalo ang pagkaka-hawak niya sa manipis kong bewang at hinapit palapit sa kanya. Parang gusto niya akong ipasok sa malaki at malapad niyang dibdib. He cornered me once again. His large, calloused hand clamped around my slender waist, holding me in place against the wall with a possessive grip. Ngayon sa dingding niya naman ako pilit na idikit.
“Am I scared of you last night?” paos niyang usisa.
Oo..sobra. Takot na takot…
Hindi ko kayang sagutin ang tanong niya dahil sa ginagawa niya ngayon sa akin. Naninimbang ako sa totoo lang. Gusto kong tumango dahil wala akong kakayahan na ibuka ang bibig kaso kapag ginawa ko ‘yon, tatama sa mga labi niya ang mga labi ko.
Gumapang paibaba ng balakang ko ang kamay niyang mahigpit na nakasapo kanina lang sa bewang ko. Napasinghap ako. Inaalipin ako ng takot ngunit may nararamdaman din ako na kakaiba sa bawat hagod niya sa aking balat na kahit may nakaharang na tela ay ramdam na ramdam ko ang init ng balat niya.
Pumirme sa isang pisngi ng pang-upo ko ang malapad niyang palad. Sakop na sakop nito. Isang beses niyang pinisil na ikinapikit iyon ng mga mata ko.
“Answer me, Aria. Now. Or I'll take my palm to your backside, and you won't like it.”
“T-takot na takot, S-sir…” nanginginig ang mga labi na pagkakasabi ko.
Nilapat niya sa tungki ng ilong ko ang mainit niyang labi. Napapikit ako. Bahagyang lumuwag ang pagkakasapo niya sa pang-upo ko.
"You'll behave and listen to me, and I won't do that again. But if you are trying to be hard-headed, you'll face the consequences. Understood?"
“Y-yes, Sir–”
Nabitin sa ere ang sasabihin ko ng bahagya niyang itagilid ang mukha para ma sakop ang kalahati ng itaas kong labi. Napapikit ako. Umarangkada paitaas ang init na mula sa kinatatayuan ko at tila naging estatwa na ako na hindi magawang sawayin ang ginagawa niya ngayon sa akin. Pinanggigilan niyang pisilin ang isa kong pang-upo habang sinasakop ang bibig ko.
Sinusunod ko naman siya pero bakit pinaparusahan niya ako?
He groaned when he wasn't satisfied with parting my lips. Sinadya ko 'yon kaso binawian niya agad ako. Kinagat niya ang ibabang labi ko rason para umawang ang bibig ko at tuluyan siyang nakapasok. Nagtagumpay siyang galugarin ang bibig ko at wala na akong nagawa kundi ang mag pa-alila.
The heat was covering and running free through my body every time he kissed me so hard. Pero bakit gano'n, sa halip na ilayo ko siya at patigilin dahil nasasaktan ako, mas lalo ko siyang binigyan ng paraan para maging malaya sa ginagawa sa akin.
“That's for now. Make another wrong move so that I have a way to kiss you hard.” He said. The sound of his voice makes me shiver for the second time. And his intense gaze felt like it pulverized me.