KABANATA 6 Ilang araw na akong hindi makatulog sa pag-iisip. Nagpaulit-ulit sa aking tenga ang huling pag-uusap namin ni Maria. Hindi narin ako nagagawi pa sa plantasyon. Maging ang paghahatid ng pagkain kay ama'y iniiwasan ko na rin. Ilang matatalim na salita ang natanggap ko kay ina ngunit hindi ako nito napilit. "Stupida!" Sigaw nito nang muli kong tanggihan ang utos nitong ihatid sa mansyon ang mga damit na nilabhan. Ipinagpatuloy ko ang pagtutupi at nagbingibingihan. "Dinig na dinig ko ang usapan sa tubuhan! Magkakaroon raw ng pulong mamayang gabi sa pagitan ng pamilya ng gobernador at ng mga Santibañez. At ang mismong donya ang nagpatawag noon!" Histerikal na saad nito't hindi magkamayaw sa pabalik-balik na paglalakad. Marahas akong napabuntong hininga, itinigil saglit ang ginaga

