KABANATA 5 "Lorenzo!!" Sabay kaming napatingin kay Rake na kaagad kwinelyuhan ang kapatid. He's raging with so much anger. Sa likod nito ay ang katulong na may dalang tray ng pagkain. "—-I told you about this already! Do not stain the honor of our name!" Sinuntok nito ang pader malapit sa mukha ni Lorenzo. "What did I do wrong? Maayos ko siyang inimbitahan rito and she agreed! And now she's acting like a fool victim!" Pinantayan nito ang galit ni Rake. Mas lalo nitong idiniin ang kapatid sa pader. "I am warning you Lorenzo. Hubadin mo muna ang apilyedo ng ama natin sa pangalan mo bago ka gumawa ng katarantaduhan! I am done cleaning your mess!" "What's wrong with you kuya? Tumatalab naba ang gayuma ng isang buenaflor sa—-" hindi na nito natapos ang sasabihin nang sinuntok ito ni Rake.

