Kabanata 4
Tuluyan nang nakalabas si Rake at iniwan ako. Sinarado ko ang pinto at halos mapalundag sa gulat ng makita ang isang may katandaang babae sa aking harapan. Nakauniporme ito at may dalang baton. Bahagya akong yumukod upang gumalang ngunit mas lalo lamang naningkit ang mga mata nito. Tipid na lamang akong ngumiti at nilagpasan ito.
"May girlfriend na si Rake" Napatigil ako sa paglalakad "...kung ano man ang binabalak mo at nang pamilya mo ay huwag mo nang ituloy." pagpapatuloy nito. Lumingon ako pabalik. Walang bahid ng kahit anong emosyon ang kanyang mga mata.
"Ako po ba ang kausap niyo? "
"Mula sa aking kabataan ay naninilbihan na ako sa pamilya Romualdez. Nasaksihan ko ang lahat ng nagyari sa loob at labas nitong mansyon. Ang pamilyang ito ay may sinusunod na tradisyon. Ipinagkakasundo ng pamilyang Romualdez ang kanilang anak sa anak ng kanilang ka partido upang mas patibayin pa ang koneksyon na meron sila. Si Alana, ang bunsong kapatid na babae ng Gobernador ay ipinagkasundo sa nag-iisang anak ni mayor Deolfino na siyang kasalukuyang mayor dito sa bayan. At si Rake ay nakatakda ring magpakasal sa anak na babae ng pamilyang Santibañez, si Maria... ang kasalukuyang kasintahan nito." Nakuha ko ang gusto nitong ipahiwatig sa mga sinasabi. Tipid akong ngumiti.
"Walang ibig sabihin ang pagpunta ko rito. Sadyang nagipit lang kami ni gov kaya't napilitan akong manatili rito at magpalipas ng gabi"
"Ilang araw nalang ay uuwi na si Maria. Sana ay ito na ang una't huli mong pagdalaw dito sa Hacienda Romualdez." Gusto kong mapairap sa tono ng pananalita niya. Hindi ko na siya muli pang nilingon. Nagpatuloy ako sa paglalakad na wari ay walang narinig. Saktong pagkalabas ko ay siya ring pagtapon ni Rake sa kakaupos pa lamang na sigarilyo habang nakasandig sa pintuan ng kanyang kotse.
Napadako ang paningin ko sa upos ng sigarilyo bago siya binalingan habang nakakunot ang noo.
"Naninigarilyo ka?" Bahagyang tumaas ang aking boses.
"What? Dont look at me that way Megan. Galing kang maynila kaya malamang ay hindi na bago sayo ito" kumuha siya ng mint at kinain.
"One stick is equivalent to one year of your life. The more na naninigarilyo ka the more na iiksi ang lifespan mo. Baka at the age of forty ay sumakabilang buhay kana" Pagak itong napatawa sa sinabi ko.
"Bakit? Natatakot kang maagang ma byuda?" Biro nito. Wala ako sa mood para gatungan ito kaya nauna na akong sumakay sa kotse. Hindi kalaunan ay sumakay narin ito. Naaamoy ko ang mint na nginunguya niya. Isinandal ko ang siko sa gilid at itinakip ang aking daliri sa aking ilong.
"Seatbelt" Tumango ako at agad itong sinunod. Hindi nakaligtas sakin ang madalas nitong pagtingin sa gawi ko. Sa ngayon ay may dalawang sasakyang nakasunod samin. His bodyguards. Nakapikit ako buong biyahe upang iwasang makausap ito.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bahay. Malayo palang ay kitang kita ko na si ina na nakaabang sa labas. Halos mapunit ang mga labi nito sa laki ng ngiti ng magkasabay kaming lumabas ni Rake.
"Nako Gov! Salamat naman at naiuwi muna itong anak ko. Alalang alala kami ng papa niya kagabi! Kung hindi kapa tumawag ay tiyak na nagpunta na kami sa presento at inereport ang pagkawala nitong si Megan." maarteng drama ni ina. Alam kong mahimbing ang tulog nito kagabi nang malaman na sa Hacienda Romualdez ako nagpalipas ng gabi. Napairap ako sa kawalan.
"Walang anuman po aleng Josana. I was about to send her home last night but there was a...sudden problem." Nasa akin ang buong atensyon nito kaya maging si ina ay napatingin rin sakin. Kulang nalang ay magningning ang mga mata nito sa kasiyahan. Nilapitan ko si ina at nagmano rito ganon rin kay ama na hindi makatingin sakin. Hindi ko na hinayaan pang humaba ang discussion kung kayat hinarap ko ito at nagpasalamat. Hindi rin naman nagtagal ay nagpaalam na ito. Hinatid pa namin ng tingin ang papalayong sasakyan. Nang tuluyang makaalis ay masakit na hinablot ni ina ang aking braso papasok ng bahay at paupo sa silyang de kahoy. Agad akong pinalibutan nina ina at ateng hindi man lang lumabas na nakikisilip lang sa bintana.
"Ano na ang ganap ha?!" Tanong ni ate
"Sa hacienda ka magdamag?" Dugtong ni ama.
"Noong lumalim ang gabi ay hindi na kita nakita pa. Nagulat nalang ako ng makatanggap ng tawag mula sa gobernador. Ang sabi ay naroroon ka sa hacienda! Hindi mo alam kung gaano ako ka proud sa iyo ngayon anak!" Halos mapapalakpak si ina sa tuwa. Si ate naman ay nakapamaywang pa habang inuusisa ako.
"May nangyari kasi kagabi ma—-"
"Magaling Megan! Tama iyang ginawa mo. Katawan ang kahinaan ng mga lalaki kaya iyon ang armas na gamitin mo." masiglang saad ni ina. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pag-ismid ni ate sa salita ni ina habang ako naman ay napapayuko.
"Kung kailangan mong bumukaka para maakit si Gov. ay wag kang magdadalawang isip na bumukaka, isipin mo nalang ang magiging buhay natin kapag umangat na tayo." utas ni ina na kaagad namang sinalungat ni ate.
"Nakalimutan nyo na po ba iyong ipinagawa nyo sa akin ina? Hindi ang pagbukaka ang sulosyon dyan. Ayaw ng senior ng nilalandi at saksi ako roon" bahagya akong natigilan at kumunot ang noo sa narinig, malinaw na malinaw pa sa akin ang sinabi ni Rake ng gabing iyon. 'Flirt with me Megan. Only me. Not with my brother, not with anyone else. Just me' naninindig parin ang mga balahibo ko sa tuwing naaalala iyon. San nga ba banda roon ang sinasabi ni ate na ayaw magpalandi ni gov?
"Sinasabi ko lang naman ang maaaring mangyari kung sakaling dalawin ng pagnanasa sa katawan iyang si gov. Kung nagkataon na ikaw ang matira ni gov kung sakali ngang mangyari iyon ay tibatiba tayo sa yaman nun!"
"Ina!" suway ko dito ngunit pinandilatan lamang ako nito ng mata. Hindi ko lubos malunok ang sinabi ni ina. Papano nya nasasabi ang ganong bagay? Paano nya nasasabi ang mga salitang iyon na para bang natural na gawain lang.
"Ito ang sinasabi ko sa iyo Megan, maging praktikal ka! May ganda ka kaya hindi malabong magustuhan ka ni gov. Sa panahon ngayon, kayamanan na ang mas mahalaga at normal na ang seks sa inyong kabataan. Ano naman kung ialay mo ang katawan mo sa binatang gobernador? Kung may datong naman ay okay na."
"Ina naman!" gusto kong sumalungat sa mga sinasabi nito ngunit katulad lang din nina ate at ni ama ay napapatikom ako sa tuwing pinandidilatan ako nito ng mata.
Ganyan talaga magsalita si ina, kung ano ang laman ng isip nito ay sya rin nitong isinasatinig. Ngunit ang hindi ko kayang unawain ay bakit kailangan pa akong ibugaw nito kay gov...upang umangat? Hindi ko maaatim na gawin ang mga sinasabi nito sapagkat hindi ako ganoong klase ng babae.
Tumayo ako at nagpaalam sa kanila upang magbihis. Nagsuot ako ng isang bulaklaking bestida bago pumanhik pababa. Naabutan ko sina inang busy sa paghahanda ng pagkain.
"Pumarini ka na Megan, tulungan mo ang ate mo sa pagbabalot ng mga pagkaing niluto ko na dadalhin sa tubuhan mamaya." saad ni ina ng makita akong pababa na. Tulad nga ng sinabi nito ay dinaluhan ko nga si ate sa paghahanda ng pagkain.
Isinilid ko sa baunan ang mga pagkain at tinakpang mabuti upang hindi lumamig. Magkasama kami ni ate na tinatahak ang daan patungo sa tubuhan. Naroon na si ama at hahatiran namin ito ng pagkain maging ang mga kasama nito.
"Darating raw iyong santa santitang Maria mamaya sa hacienda." biglang saad ni ate na nagpatigil sakin sa paglalakad. huh? Kaagad rin naman akong tumakbo para maabutan ito at para narin makiusyoso sa sinasabi nito.
"Sinong Maria?"
"Sa tingin ko ay kasintahan iyon ni Gov. pero ayon naman sa sinabi nito ay magkaibigan lang raw sila. Walang may alam ng totoong ugnayan ng dalawa. Malihim si Gov. kapag yung Mariang yun na ang pinag-uusapan." natigagal ako sa nalaman. Umusbong ang kuryosidad ko sa mukha ng sinasabi nitong maria.
"Ate, malayo pa ba ang tubuhan?" pagwawala ko sa paksang aming pinag-uusapan. Ayaw ko na ng karagdagan pang impormasyon.
"Malapit na, konting lakad nalang." sagot nito, napatango ako dito at walang imik na sinundan ito. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa tubuhan. Maraming mga magsasaka ang nakatampisaw sa init ng araw habang inaani ang mga tubo. Inilapag namin ni ate ang mga pagkaing dala namin sa kubong naroon.
Kinawayan ko si ama ng mahagip ito ng mga mata ko. Nagpunas ito ng pawis at lumapit sa kinaroroonan ko.
"Bakit kayo ang naghatid nito? San ang inyong ina?" kaagad na tanong nito nang makalapit na sakin. Nagmano ako bago sinagot ang kanyang tanong. Tumango ito at tinawag ang mga kasamahan nito upang kumain na. Malakas ang hangin kahit na mainit ang araw, hawak ko ang bestidang suot sapagkat tinatangay ito ng hangin.
"Ang gaganda talaga nitong mga anak mo Roberto, san kaya namana ng mga ito ang kagandahan nila." biro ng isa sa kasamahan ni ama.
"Hindi ko lang nababanggit sayong habulin din ako ng mga chix nung kapanahunan ko kaya malamang sakin nagmana ang mga iyan Tado" ganting biro ni itay dahilan para umingay ang lahat sa tawa at halakhak. Nakitawa narin ako.
Nililipad ng hangin ang aking buhok at tinatabingan nito ang aking mukha. Kumuha ako ng panali at tatalian na sana ang buhok ko ngunit may biglang umagaw nito at ito na mismo ang nagtali sa aking buhok.
Nanindig ang mga balahibo ko sa leeg ng malanghap ang pamilyar na pabango.
Nang matapos ay nilingon ko ito upang magpasalamat sana ngunit nabitin sa ire ang sana'y sasabihin ko ng mahagip ng aking paningin ang isang balingkinitang babaeng kasama niya. Sexy ito sa suot nitong mabulaklaking bestida na katulad ng sa'kin ngunit di hamak na mas maganda iyong sa kanya. Maputla ang kulay nito at sing pula ng rosas ang mga labi. Malalantik ang pilik mata at talaga namang maganda ito sa ngiting nakabalandra sa kanyang mukha.
"Magandang tanghali sa iyo Megan, ikaw pala ang naghatid ng pagkain ngayon?" saad nito at gusto ko syang tadyakan ng dumapo ang paningin nito sa aking dibdib.
'Never take advances when you're with another woman governor!' piping saad ko.
Napatingin ako sa babaeng kasama niya at tiningnan ang bandang dibdib nito. Napaismid ako, atleast mas malaki yung akin kumpara sa kanya.
"Oo, kaming dalawa ni ate ang naghatid ng mga pagkain." lumagpas ang tingin nito sakin at sa palagay ko ay tiningnan nito ang ate ko bago bumalik ang tingin sakin. "---may tatapusin pa raw si ina kaya kami na ang inutusan nya." tumango ito ng ilang beses bago sinipat ang suot kong bestida .
"Hindi ka ba natatakot na masunog ang balat mo sa bestidang iyan? Masyadong lantad ang balikat mo at mainit rito sa tubuhan. Baka gusto mo namang takpan iyan?" utas nito. Napatingin iyong babae kay Rake ng may pagtataka sa mukha bago nakangiting bumaling sakin. Gusto kung magmura at murahin ito hanggang sa kapusin ako ng hininga. Talaga namang yung suot ko pa ang pinuna nya imbes na iyang babaeng kasama nya, di hamak na mas mababa ay laylayan ng damit ko kumpara sa suot ng kasama nito na hanggang kalahati ng hita lamang. Lihim akong napairap ngunit hindi ko alam kung lihim pa ba iyong pag-irap ko sapagkat kita ko ang pagkabigla nung babae sa aking ginawa.
"Hindi na kailangan hindi naman ako magtatagal rito. Pagkatapos nilang kumain ay aalis na agad ako." saad ko. Nagpalipat-lipat ang tingin nang babae saming dalawa ni Rake.
"Rake? " malambing na tawag nito.
"Oh yes I forgot. Maria, si Megan anak ng katiwala ko rito sa hacienda. Megan si Maria" saad nito. Ngumiti ito sakin at naglahad ng kamay na sya ko namang tinanggap. Gusto kong magtaray sa hindi ko alam na dahilan ngunit masyado syang mabait para tarayan.
"I'm glad to meet you Megan." masiglang saad nito. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Nakaramdam ako ng inrecurities sa katawan ko ngayong kaharap ko sya. 'Tyak na wala akong panama sa kanya'. piping usal ko habang tinitingnan sya bago nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Pinong pino ang galaw nito. Wari'y isang ligaw na prinsesang napadpad lamang dito sa La Carlotta. Hindi nababagay ang mamahalin nitong takong sa lubak lubak at maduming lupa rito sa tubuhan.
"I heard about you from Lorenzo." Mabait na saad nito.
"Sana naman po ay mabuti iyong mga narinig niyo tungkol sakin" tipid akong ngumiti. Nanatiling nakatingin sakin si Rake. Ngunit kaagad itong napatingin kay Maria nang hawakan siya nito sa braso.
"Why don't we invite her for my welcome party this evening Rake."
Nagkatinginan kami ni Rake. Nahulog ang mga mata ko sa braso nito kung saan nakakapit si Maria. Tumikhim ito kaya't muli akong nag-angat ng tingin.
"Nako huwag napo maam. May gagawin rin po kasi ako mamaya kaya salamat nalang po." pagdadahilan ko. Pilit akong ngumiti at nag-isip ng pupwedeng idahilan upang makaalis sa sitwasyong kinalalagyan.
"Megan!" Halos mapalundag ako sa saya ng tawagin ako ni ama. Nilingon ko si ama at kinawayan bago muling binalingan ang dalawa.
"Mauna na po ako sa inyo Gov, maam Maria." Payak na saad ko at lakad takbong tinungo si ama na humihingi lang pala ng maiinom. Inabala ko ang aking sarili sa pag-aayos ng mga pagkain.
Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapalingon sa gawi nina Rake habang hinihintay na matapos kumain ang mga trabahador para makapagbalot na't makaalis. Magkasama ang mga ito habang nangunguha ng tubo. Binabalatan ni Rake ng tubo si Maria at ipinapatikim rito. Nagngitngit ang mga ngipin ko ng tinikman ng huli ang tubo na hinahawakan ni Rake, lumalabas na sinusubuan sya nito. Kailangan ba talagang magsubuan pa sa ilalim ng init ng araw? Napairap ako sa kawalan at pinapak ang tubong kanina ko pa hawak-hawak.
"Aray! Ang tigas!" daing ko. Nasapo ko ang bibig ko, pakiramdam ko ay natanggal ang ngipin ko sa tigas nito.
"Hindi naman kasi ganyan ang tamang pagkain ng tubo" saad ng isang pamilyar na boses. Gulat na nilingon ko ang pinagmulan ng tinig at napangiti na lamang ng mamataan ang nakangiting mukha ni Lorenzo.
"Sir Lorenzo!"
"Kailangan mo munang balatan iyan Megan. Talagang matigas 'yan sukat ba namang kainin mo pati yung balat." utas nito at bumunghalit ng tawa. Nakalimutan ko ngang balatan ito dahil sa kakatingin kina Rake. Tinitigan ko lang ito habang nanliliit sa mga sinabi nito, napakalaki ko naman talagang tanga. Napanguso ako at sinimulan itong balatan.
"Napag-isipan mo naba iyong sinabi ko sa iyo noong isang araw?"
"Alin doon?" Tanong ko habang hirap na hirap sa ginagawang pagbabalat sa tubo.
"Iyong tungkol sa susunod kong ipipinta. I want to paint something beautiful....at walang mas gaganda pa sa katawan ng isang babae Meg."
"Pag-iisipan ko"
"Last time sinabi mo ring pag-iisipan mo." Napatingin ako sa kanya ng marinig ang kakarampot na pagtatampo sa tono nito.
"K-kailan mo ba gusto?" Utal na saad ko. Nabuhayan ito ng loob at malaking ngumisi.
"Really? Pumapayag kana? Well I want it as soon as possible. Gusto ko kasi sanang isama ito sa exhibit this month."
"Free ako mamayang hapon pagkatapos kong isauli sa bahay itong mga baunan."
"Thanks Meg! You're really great!" Saad nito at maloko akong kinindatan. Tipid akong ngumiti at muling binalingan ang ginagawa.
"Pano ba'to?" Inis na pinaghihiwa ko ang tubo ng mahirapan sa pagbabalat.
"Hatiin mo muna" utas nito at pumwesto sa aking likod. Nasa magkabilang gilid ko ang mga braso nito na nakaalalay sa aking kamay. Hinati nito ang tubo sa maliit na piraso tsaka binalatan. Hiniwa nya muna ito ng ikalawang beses bago isinubo sakin, nagdadalawang isip pa ako nung una ngunit kaagad ko rin naman itong tinangap ng pilitan na nitong isinubo sa bibig ko ang tubo. Sinipsip ko ang katas nito at napa thumbs up ng malasahan ang tila asukal na katas ng tubo.
"Lorenzo" sabay kaming napatingin sa biglaang nagsalita.
"Oh Rake, Maria " bati ni lorenzo sa mga dumating. Gumanti ng bati si Maria ngunit nanatiling walang imik si Rake. Naasiwa ako ng mapagmasdan ang mga mata nitong tutok na tutok sa kinakain ko. Nag-igting ang panga nito sabayan pa ng pagkuyom ng mga palad na wari'y nagpipigil.
"Pumapasyal kayo?" tanong ni lorenzo.
"Ipinasyal ako ni Rake rito sa tubuhan, araw ng ani daw kasi ngayon at gusto kong pagmasdan ang tubuhan." sagot ni Maria na nasa kay Rake ang buong atensyon. Parang may kung anong nagbara sa lalamunan ko ng magtama ang mga tingin naming dalawa, bumaba ang paningin ko sa pagbaba't pagtaas ng bukol sa leeg nito dahilan para pilit akong mapalunok. Nagulat na lamang ako ng bigla nitong inagaw ang tubong kinakain ko at isinubo ang parteng sinipsip ko kani-kanina lang.
"R-rake" magpoprotesta pa sana ako ngunit huli na sapagkat nakagat na nito ang parte ng tubong kagat-kagat ko kanina. Hindi ko mahanap ang tamang salita na sasabihin ko. Kapwa nanlaki ang mga mata namin ni Maria pwera nalang kay Lorenzo na kunot na kunot ang noo.
"It's sweet" komento ni Rake dahilan para uminit ang pisngi ko. Wala namang kakaiba sa sinabi nito, talaga namang matamis iyon ngunit ang mismong tinikman nito ay ang sya ring tinikman ko kaya wala na masyado iyong katas. Alin ang matamis roon?
Nag-iwas ako ng tingin ng dumapo ang tingin ni Maria sakin na wari'y may kung anong binabasa sa mga mata ko. "Ba't di kayo bumisita sa tabon? maganda roon, tyak na mag-eenjoy ka Maria" putol ni Lorenzo sa katahimikan. Napabaling kaming lahat sa kanya at kaagad rin namang sumang-ayon si Maria roon.
"Sige, sige. Dun tayo Rake. Hindi ko pa nakikita ang tabon." nasasabik na saad nito. Pinagdaop niya ang magkabilang palad at humarap kay Rake dahilan para matabunan ako sa paningin nito.
"Mabuti pa nga at ipasyal mo si Maria sa Tabon Rake tiyak na magugustuhan ni Maria ang iba't ibang isda na naroon." ulit ni Lorenzo.
"Doon ko siya ipapasyal mamaya."
"Why don't you join us Lorenzo?" Malambing na anyaya ni Maria. Bahagya itong umiling at malapad na ngumiti.
"Sorry I can't join you. Hihintayin ko pa si Megan."
"Why? Are you going somewhere?" Nagdugtong ang mga kilay nito.
"I invite her on my studio Rake."
"And you're going?" This time ay sa akin na ito nakatingin. Napatango ako. Hindi nakaligtas sakin ang bahagyang pag-angat ng sulok ng bibig nito. Mapakla itong tumawa at napatango tango. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nito ngunit may pakiramdam akong masama na naman ang dating noon sa kanya.
"That's good. See you on the mansion." Inakay na nito si Maria paalis. Hawak nito ang baywang niya at maingat na inalalayan sa paglalakad. With those killer heels? Talagang mahihirapan itong maglakad.
MABILIS na lumipas ang oras. Inihatid kami ni Lorenzo sa bahay. Nagbihis ako't nag ayos ng kakaunti. Sakay sa kanyang sasakyan ay nagtungo kami sa mansyon ng mga Romualdez. Mabilis kaming umakyat sa ikalawang palapag kung saan naroroon ang studiong sinasabi ni Lorenzo.
"Be comfortable Meg. Nagpaakyat na ako ng meryenda natin kay manang. Aayusin ko lang ang mga gagamitin ko."
Tanging tango lamang ang naging tugon ko. Umupo ako sa couch habang pinagmamasdan ang ginagawang set up nito. Naghila siya ng pang isahang couch sa gitna. Sa magkabilang gilid nun ay may malalaking ilaw na nakadirekta sa silya. Inilabas niya rin ang mga gamit niya sa pagpipinta. Nang matapos ay binalingan ako nito.
"Let's start?"
"Uh okay." Tumayo ako at nangapa sa gagawin. Nang mabasa nito ang kalituhan sa aking mukha ay nagdugtong ang kanyang mga kilay. Sinenyasan niya akong maupo sa couch na siya ko namang sinunod. Humugot ako ng malalim na buntong hininga at tumingin dito.
"Ano pa ang hinihintay mo Meg? Maghubad ka na"
Sandali akong natigilan at hindi sigurado sa naring. "What?!"
"Ang sabi ko ay maghubad ka na para masimulan ko na."
Nang makumpirma ang narinig ay kaagad akong tumayo at galit na tiningnan ito. Marahas ako nitong tinitigan.
"What? don't tell me na hindi mo alam kung ano klaseng mga obra ang ipinipinta ko."
"Ang akala ko ay—-"
"C'mon Meg! It's not as if It's your first time." Sa puntong iyon ay nag-iba ang tingin ko kay Lorenzo. May halong panunuya ang tono ng boses nito.
"I can't do this Lorenzo! Im sorry!"Saad ko at akmang lalabas na sana ngunit mabilis itong humarang sa may pinto. Dinalaw ako ng matinding kaba. Madilim ang anyo nito at parang sinapian ng kung anong demonyo.
"No one is leaving this room!"
"Hindi tayo nagkakaintindihan Lorenzo!"
"Dont be a coward Meg! Akala mo ba hindi ko alam ang mga pinaggagawa ng pamilya niyo para makabingwit ng isang Romualdez? Maliit na bagay lang naman itong hinihingi ko kung ikukumpara sa ginawa ng kapatid mo."
"Stop it Lorenzo!"
"Your sister tried to make a pass on me after a failed attempt on my brother." Sa sinabi nito ay parang napako ako sa kinatatayuan. My sister did that? Dahil sa pagkabigla ay hindi ko namalayang unti-unti na nitong binubuksan ang aking suot na blusa.
—mimi