Kabanata 3
HINDI ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para masampal siya. Huli na para pagsisihan ang lahat dahil bakat na bakat na sa pisngi niya ang aking kamay. Nagulat siya sa nangyari kaya't hindi niya napaghandaan ang bahagya kong pagtulak sa kanya't pagtakbo palabas.
My palm is sweating.
Lakad takbo kong tinahak ang daan pabalik sa kasiyahan. Nang makatagpo ng isang serbidorang may dalang tray na naglalaman ng inumin ay kaagad akong kumuha ng isang baso at mabilis na ininom. Napapikit ako sa lasa. Ramdam ko ang pagdaloy ng magkahalong pait at tamis sa aking lalamunan.
"Salamat," Ibinalik ko sa tray ang wala nang lamang baso at nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi kalayuan ay natatanaw ko si mama na may kausap na dalawang babae. Panay ang tawa ni mama't tahimik lamang na nakikinig ang dalawa. Nahanap kaagad niya ang linya ng aking paningin.
Sumilay ang isang napakalaking ngiti sa mga labi niya.
"Megan anak! Halika't ipapakilala kita sa aking mga amiga!" Puno ng galak ang tono ng kanyang boses. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang bahagyang pag-ismid ng dalawang babae. Humugot ako ng malalim na buntong hininga at kaagad na lumapit. Hinawakan ako ni mama sa braso.
"Ito ang sinasabi ko sa inyong isa ko pang anak. Si Megan. Lumaki ito sa tiya niya't ngayon lamang napadalaw rito sa sitio..." Nakakahiyang pagbibida ni mama. "...Ilang ulit na siyang nanalo noon sa mga patimpalak sa pagandahan. Makinis kasi ang balat at maganda pa. Siyempre at nagmana sa ina." Malakas siyang tumawa. Pilit na ngiti ang iginanti ng dalawang babae. Pinasadahan nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Iyan na ba ang susunod mong ipapain sa binatang Gobernador, Josana?" saad ng ginang at bahagyang tumawa. Kaagad na napawi ang ngiti ni mama.
"Siguraduhin mo lang na bihasa na iyan sa pang-aakit. Malay mo't baka ngayon ay kumagat na sa pain mo ang Gobernador." Dugtong pa ng isa.
Naramdaman ko ang pagpipigil ni mama. Hindi naman nagtagal ang dalawang babae at kaagad ring umalis pagkatapos mang-insulto.
"Itong dalawang matandang ito! Inggit lang kayo at wala kayong mga binhing pwedeng iharap sa Gobernador. Tingnan lang natin! Didikit rin kayo sakin kapag naikasal na itong anak ko sa Gobernador! Mga matatandang inggitera! Pwe!" Halos sumabog si mama sa galit. Hindi naman siya narinig ng dalawang ginang sapagkat nakalayo na ang mga ito.
"Ma! Hinaan mo naman po iyong boses niyo at baka may makarinig. Nakakahiya po."
Galit niya akong tiningnan at pabalyang binitawan ang braso ko.
"Anong hiya! hiya! Megan! Kaya nga mas lalo mo pang paigtingin ang pagdikit mo diyan kay Gob para sila na mismo ang mahiya sayo!"
Bumaba ang tingin niya sa aking balikat.
"At iyang coat na suot mo! Sa Gobernador iyan diba? Pagkatapos ng gabing ito ay ibigay mo sakin 'yan. Mukhang mamahalin."
Patago akong umiling. Si mama at ang pagkagahaman niya sa pera. Tumango na lamang ako para matapos na ang usapan.
"Ang Gob? Asan naba?"
Nagbaba ako ng tingin. Sa simpleng pagbanggit sa kanya'y kinakabahan ako.
"H-hindi ko po alam."
"Putragis naman! Dapat alam mo! Pinagsabihan na kita diyan diba..." Unti unting humina ang boses niya at mabilis na nag-iba ang tempo. Kung kanina'y inis at galit...ngayon ay lumambot at ngumiti. Tumagos sakin ang kanyang tingin. "...andyan na pala ang Gob."
Napatayo ako ng tuwid at unti-unting tiningnan ang linya ng kanyang paningin. Hindi kalayuan ay naroon nga si Rake. Hawak ang isang baso ng alak at may kausap na babae.
Lumapit si mama sakin para bumulong.
"Ganyan dapat, Meg. Dapat ganyan ka ka-agresibo! Iyang babaeng iyan? Hindi matatapos ang gabing ito nang hindi iyan naikakama ni Gob. Kaya ikaw! Bilis-bilisan mo na! Balita ko rin ay hindi nakikipagsiping ang Gobernador ng walang proteksyon kaya okay lang na makipagsiping ito sa kahit kaninong babae basta ba't ikaw ang huli!"
I feel so uncomfortable just by thinking about it. Kung sakali man ay hindi ako papayag na kung sino sino lang ang magiging kasiping niya. Nakakababa ng sarili.
Hinaplos ng babae ang bisig niya at may kung anong ibinulong. Hindi ba ito nahihiya sa lantarang pakikipaglandian?
"Nakatingin siya sa'yo. Lapitan mo," si mama.
Halos manigas ako sa kinatatayuan nang mapagtantong nakatingin nga siya sakin.
"Ma," Parang umuurong ang mga binti ko sa takot.
"Aarte ka na naman? Napag-usapan na natin ito diba?!"
Kinurot niya ako sa tagiliran at pinandilatan ng mata. Sa puntong iyon, alam kong kailangan ko siyang sundin. I took a long and deep breath at kinumpostura ang sarili.
Sa bawat hakbang na ginagawa ko papalapit ay napapansin ko rin ang kawalan niya ng atensyon sa kasama. Pinatigil niya sa pagsasalita ang babae nang mapalapit ako sa kanila.
"Megan," His voice was full and husky. Hindi naman masyadong halata ang pamumula ng kanyang pisngi sa natamong sampal. The girl looked at me with curiosity, may bahid rin ng inis ang maganda niyang mukha, siguro ay dahil sa naantalang pagkikipagharutan.
Ang plano ko ay ayain siyang lumabas saglit para maiwala si mama...ngunit iba ang lumabas sa aking bibig.
"Nasan si Lorenzo?"
His mood changed. Mabagal ang naging pag-inom niya sa basong hawak. His brows furrowed.
"Ano ang kailangan mo sa kapatid ko?"
Damn! Ano nga ba Meg!
"M-may ipapakiusap lang sana ako. Kung hindi mo mamasamain."
"At ano naman ang sadya mo?"
The girl beside him was eyeing me.
"Gusto ko sanang sa kanya na mismo sabihin."
Tumikhim siya at itinagilid ang ulo.
"My brother is in his room with a girl. I'm not sure if he'll be happy if I send you there."
Meron siyang ibinulong sa babae. Tiningnan muna ako ng huli bago tuluyang umalis. Inilapag niya sa high end table ang basong hawak.
"Would you mind telling me kung ano ang ipapakiusap mo sa kapatid ko? Baka importante. I can call him and interupt his business If you want."
"Naku! Huwag na! Salamat nalang," saad ko at akmang aalis na sana ngunit mabilis ang kamay niyang pumigil sakin. Parang kinurente ang aking braso nang magdikit ang aming mga balat. Muli ko siyang nilingon.
"Tell me." He said with authority. His pools was dark and mysterious. Napaka domineering ng tindig niya kaya't natagpuan ko na lamang ang sariling sumasagot.
"Magpapahatid s-sana ako p-pauwi."
Gusto ko rin sanang makasama si Lorenzo para makapagtanong tanong narin. Hindi sa kuryuso ako dito. Sadyang kailangan ko lang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kanya sa hindi malamang dahilan. Saglit siyang natigilan bago tumango.
"I can drive you home."
"No!" Napalakas ang pagkakasabi ko noon. "A-ang ibig kong sabihin ay huwag na. Hindi ka pwedeng umalis. You're the main host of this party saka nakakahiya."
His brow rose and his lips curved in a smug smile.
"Nahihiya ka sakin at sa kapatid ko ay hindi? I can do whatever I want, Megan, kaya kung gusto kong ihatid ka ay ihahatid kita," pinal na saad niya. Itinaas niya ang isang daliri na para bang iminumuwetra maghintay ako.
Tinawag niya ang isang unipormadong lalaki. May sinabi siya ritong tinanguan naman ng lalaki at may inabot. Kung hindi ako nagkakamali ay susi ito ng sasakyan. Nilapitan niya ako't hinawakan sa bewang.
"Let's go," saad niya at inakay ako palabas.
Hindi nakaligtas sakin ang pagkabali ng ilang
leeg dahil sa kakatingin samin. May mga bulong-bulungan, hindi ko alam kung naririnig niya pero ako? Rinig na rinig ko.
Ipinagbukas niya ako ng pinto sa kanyang itim na SUV. Pumasok ako't inihilamos ang mga palad sa mukha. Mabilis siyang umikot at umupo sa driver's seat.
"Seatbelt," saad niya na kaagad ko namang tinugon.
Tahimik at mabagal ang naging biyahe namin. Nasulyapan ko ang kamay ng orasan na nakaturo sa ika-labing isang numero. Sa tensyong bumabalot kanina ay hindi ko na napansin ang mabilis na pag-usad ng oras.
Maghahatinggabi na, hindi naman kalayuan ang bahay namin sa mansyon ng mga Romualdez. Sa katunayan ay kanina pa sana kami nakarating sa bahay kung dumaan lang kami sa sagingan ngunit ang sabi niya ay delikado na raw dahil malalim na ang gabi kaya't dumaan kami sa sentro.
Napatingin ako sa labas, wala nang ni isang establishment na bukas at iilan narin lang ang mga taong nagpapalakad lakad. Isang tikhim ang narinig ko mula sa kanya. Sinulyapan niya ako saglit bago muling itinuon ang atensyon sa pagmamaneho.
"Hanggang kailan ka mananatili dito sa La Carlotta?"
"Mga isa't kalahating buwan. Nakauwi lamang ako dito dahil bakasyon."
"Ilang taon ka na nga ulit?"
"Eighteen," simpleng saad ko. Tumango siya at nanahimik, parang malalim ang iniisip. Hindi nakaligtas sakin ang bahagya niyang pag-iling na para bang dismayado.
"Too young," aniya.
"Im a full grown woman," depensa ko. Bahagyang umangat ang gilid ng kanyang labi at namutawi roon ang isang nakakalokong ngiti.
"What I mean is...you're too young to be a Governor's wife..." mapakla siyang ngumiti "—-don't get me wrong pero doon naman patungo itong pinaggagawa mo diba?"
"Ayaw kong pag-usapan."
Tumingin ako sa ibang direksyon para iwasan ang paksang iyon.
"Nakiusap ang mama mo sakin na ipasok kahit bilang katulong man lang si Stacy sa mansyon. I agreed since both your parents work in the plantation. She's pretty...and aggressive. Isang gabi ay pumasok siya sa kwarto ko. I woke up with her holding my shaft and she's...naked."
"I said I don't want to hear it!" Tinakpan ko ng kamay ang magkabilang tenga at madiing pumikit upang itago ang kahihiyan sa narinig.
Nakuha niya naman ang gusto kong iparating kaya't hindi na siya nagsalita pa. Hindi na niya inungkat pang muli iyon. Tahimik siyang nagmamaneho at panay lamang ang sulyap sakin.
Tiningnan ko ang aking mga kuko at ito na lamang ang pinaglaanan ng atensyon. Nasa ganon akong posisyon nang biglang umalog ng malakas ang sasakyan. Napahawak ako sa gilid at gulat na napatingin ang likuran.
"Fvck!" Malutong na mura ni Rake. Sa likuran ay may nakabuntot saming isang kulay itim na sasakyan. Tinted ang salamin kaya't hindi kita kung ilan ang laman noon. Mahigpit akong humawak sa hawakan sa gilid nang muli kaming binangga sa likod.
"S-sino ang mga iyon? Bakit sila bumubuntot satin?" nagpapanik na tanong ko. Wala akong sagot na nakuha bagkos ay mas binilisan pa niya ang pagpapatakbo. Lumiko kami ng daan. Daang hindi ko alam kung saan patungo ngunit sigurado akong hindi iyon ang daan pauwi samin.
"Kunin mo ang cellphone ko. Search Eric on my contacts and please give him a ring," utos niya na kaagad kong tinugon. Gamit ang nanginginig na kamay ay dinial ko ang numerong sinabi niya at inilapit sa kanyang tenga ang cellphone.
"Yes sir?" sabi ng nasa kabilang linya.
"Magpadala ka ng tauhan sa Valley. May sumusunod samin. Black vios. Dideretso ako sa hacienda."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Tama ba ang narinig ko. Sa hacienda?
"Noted sir!"
Sa ganon kadali natapos ang tawag. Nilingon ko ang sasakyang nasa likuran. Nakabuntot parin ito pero napag-iiwanan na. Mas idiniin pa niy ang pag-apak sa aselerador. Halos maiwan ang kaluluwa ko sa bilis ng pagpapatakbo niya.
"M-masyado na yatang mabilis, Gov." natatakot na saad ko. Napapikit ako nang pumailanlang ang tunog ng baril.
"Dapa!"
"H-huh?"
"Dapa!!" pabulyaw na saad niya at pwersahan akong pinadapa. Madiin akong pumikit nang makarinig ng palitan ng bala. Pagewang gewang narin ang nagiging takbo namin. Nadagdagan ng nadagdagan ang mga putukan at pabilis na pabilis ang takbo ng sasakyan.
"Damn cowards!" Mura niya at marahas na huminto. Inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan sa bintana ng sasakyan at pinaulanan ng bala ang nasa likuran, pagkuwa'y mabilis na bumalik sa pagmamaneho.
Ang huli kong narinig ay ang malakas na tunog ng pagkabangga. Ang mabilis na pagpapatakbo ay bahagya nang naging normal hanggang sa bumagal at tumigil. Unti-unti akong nag-angat ng tingin. Isang malaking rebolto ng leon ang sumalubong sa aking paningin. Umayos ako ng upo nang marinig ang pabalyang pagsirado ni Gov sa pinto ng sasakyan. Umikot siya sa gawi ko at pinagbuksan ako ng pinto.
"H-hindi ito ang bahay namin, Gov."
"I know," maikling saad niya at naunang nagmartsa papasok sa mansyon. Dahil sa takot na maulit ang nangyari kanina ay natataranta akong lumabas ng sasakyan at sumunod rito.
Sinalubong siya ng dalawang bantay at bumati naman ang mga katulong. Nakasunod ako sa kanya hanggang sa umabot kami sa sala. Hindi na niya ako nilingon at nagpatuloy lamang sa pag-akyat pataas. Naiwan akong hindi alam ang gagawin.
Nilapitan ako ng isang bantay na kanina lang ay kausap niya.
"Dito na muna kayo maghintay ma'am. May kailangan lang asikasuhin si Gov. bababa rin daw siya mamaya," saad nito. Tumango ako at inukupa ang isang malambot na sofa.
Malaki ang mansyon ng mga Romualdez sa kabisera ngunit di hamak na mas malaki ang mansyon nito rito sa kanilang hacienda. Nagsusumigaw ng karangyaan ang bawat sulok. Pawa rin nakauniporme ang mga katulong. May malaking aranya sa pinakasentro sa itaas at naglalakihan rin ang mga mamahaling porselana. Ganon rin ang mga paintings na kung hindi ako nagkakamali ay gawa pa ng mga kilalang pintor. Sa gilid ay naroon ang malaking piano.
Tahimik ang buong mansyon.
May mga palakad-lakad na mga tauhang may dala-dalang baril. Inukopa ko ang sarili sa pagbuklat ng mga magazine na naroroon. Lumipas ang ilang oras at tinamaan na ako ng pagkabagot. Mag-a-alas dos na ng madaling araw. Baka tinulugan na ako nun!
"Excuse me ma'am. Ang sabi po ni Gov ay baka gusto niyo na munang sa kabilang silid maghintay at mamahinga," saad ng isang katulong.
"Bakit? Matatagalan paba siya?"
"Parang ganon na nga po ma'am. Nakahanda napo ang silid para sa inyo."
Nag-abot ang nga kilay ko at nagbuntong hininga.
"Hindi na kailangan. Pakisabi nalang na uuwi ako ngayon at kung maaari ay magpapahatid ako kahit sa paradahan lang ng sasakyan,"
Teka! May sasakyan paba ngayon?
"Sandali lang po ma'am. Ipapaalam ko lang po muna kay Gov," saad niya at umalis.
Muli ay naghintay ako. Ilang minuto lamang ay si Rake na mismo ang bumaba. Nakaputing sleeveless shirt at khaki pants.
"Uuwi ka?"
"Oo sana," saad ko. Nawala ang kaninang inis na nararamdaman sa paghihintay.
"Bukas ka nalang umuwi. Delikado pa sa ngayon. Ihahatid kita mismo sa bahay niyo."
Nagtitigan kami. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman pero hindi ko nagustuhan ang tugon ng aking katawan sa simpleng pagpapakita niya ng atensyon. Tipid akong ngumiti at bahagyang umiling.
"Marahil ay hinahanap na ako ni papa ngayon."
"Tatawagan ko ang mama't papa mo na dito ka muna magpapalipas ng gabi sa hacienda."
Tumikhim ako at napahawak sa aking noo.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, Gov. Ayaw kong manatili rito. Sapat na ang kahihiyang tinamo ko sa gabing ito. Ayaw kong isipin mong tinitake advantage ko ang nagyari ngayon para makuha ang gusto ko."
Tumaas ang kilay niya at may naglalarong ngiti sa mga labi.
"Bakit? Ano ba ang gusto mo?"
Mataman niya akong tinitigan.
"Alam nating dalawa na lalala lamang ang mga usap-usapan tungkol sa motibo ng pamilya ko sayo kapag nagtagal pa ako rito."
Nag-abot ang kanyang makakapal na kilay. Lumapit siya sakin kaya kaagad akong napaatras.
"You're making it looks like I am asking you to sleep with me. May kwartong nakahanda sayo at huwag mo nang iisipin ang sasabihin ng mga tao. Normal lamang ang pananatili mo rito. I usually invite friends for a night. No big deal. Atsaka ako ang huling nakita na kasama mong umalis sa party. If anything happens to you ay sakin mabubuntong ang sisi," litanya niya.
Saglit akong natulala at nagbaba ng tingin. Kung may isang taong matutuwa sa sitwasyon kong ito ay tiyak na si mama iyon.
"Tanya?! Ihatid mo siya sa silid na ipinahanda ko," tawag niya sa kasambahay. Agad akong inalalayan ng babae paakyat sa malaking hagdan papunta sa sinasabing silid.
Sinalubong ako ng engrandeng kama na sa tingin ko ay kakasya ang tatlong katao. Ibinilin ng kasambahay sakin ang aking pamalit na damit. Naglinis muna ako ng katawan, nagbihis bago namahinga sa malambot na kama. Hindi kalaunan ay dinalaw ako ng antok at tuluyang nakatulog.
KINABUKASAN ay minabuti kong gumising nang maaga. Naabutan ko ang isang kasambahay na busy sa pagluluto. Bumati siya sakin ngunit hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagkunot ng kanyang noo sabay tingin sakin mula ulo hanggang paa. Bigla akong naintimida sa suot. Tanging isang malaking damit panlalaki ang tumatabing sa aking kahubadan. May soot naman akong boxer shorts pero hindi ito kita dahil sa laki ng Tshirt.
"M-may maitutulong po ba ako inyo?"
Hindi siya umiimik at nagpatuloy lamang sa pagluluto. Napakamot ako sa aking ulo.
"Uuwi napo sana ako pero hindi pa kasi gising si Gov. Ayaw ko ring istorbohin ang pamamahinga niya."
Pilit akong ngumiti.
"Anak ka ba ni Josana? Iyong pangalawang anak?" tanong niya sa pagalit na tono.
Hindi naman kagulat-gulat na alam niya ang tungkol doon sapagkat sa mga Romualdez rin nagtatrabaho si papa at madalas rin na si mama ang naghahatid ng pagkain sa kanya.
"Opo. Ako nga po."
Hindi na kailangan pang isatinig dahil sa mata palang ng babae ay alam ko na ang iniisip niya. Parte na ng nakaraan ko ang iskandalong kinasangkutan ng aking pamilya. Pero kahit na ganoon ay hinahayaan parin ng mga Rinualdez na manatili kami sa kanilang lupain. Kilala kasi ang mga ito bilang isa sa mga mararangyang pamilya na may mabubuting kalooban.
Kung gugustuhin ay pupwede na akong umalis ngayon. Pero parang napakawalang modo ko naman kapag umalis ako nang hindi man lang nagpapaalam.
Hindi na ako kinausap ng babae. Busy siya sa ginagawa kaya hindi na ako nang istorbo pa.
Ilang minuto akong naghintay sa may hagdan. Naghihintay sa pagbaba ni Gov, ngunit nang mag-iisang oras na ay mas minabuti kong pumanhik na paakyat sa kwartong sa alam ko ay silid niya.
Nang nasa harap na ng pinto ay hindi ako mapakali. Nalilito sa gagawin kung kakatok ba or hihintayin nalang ito sa labas. Mag-a-alas otso palang naman. Marahil ay napagod siya.
Muli ay bumalik saakin ang naganap kagabi. Ang mga putukan. Ang sasakyang nakasunod samin. Ang kaba at takot. Doon ko lubos na naintindihan kung gaano ka delikado ang madikit man lang sa kanya.
Nabitin sa ere ang kamay kong kakatok sana nang biglang bumukas ang pinto. Bumungad sakin ang hubad na pang-itaas nito. Tanging maliit na tuwalya lamang ang nakatabing sa kahubadan niya. Basa ang buhok at nag-abot ang makakapal na kilay.
"Pasok ka," payak na saad niya bago ako tinalikuran. Napabuga ako ng hininga at napatingin sa may kisame. CCTV.
Pumasok ako't iginala ang tingin sa kabuohan ng silid. Bawat kagamitan ay nagsusumigaw ng karangyaan. The wooden floor, white walls and brown ceiling looks elegant together. Sa gitna ay naroon ang isang malaking kama, kaharap nito ang tatlong monitor kung saan ipinapakita ang bawat sulok ng mansyon. Naroon rin ang kuha sa cctv na nakaharap sa pintuan nang mismong kwarto nito kung saan ako nakatayo kanina.
"Are you ready?"
Napalingon ako sa kanya at nakahinga ng maluwag nang nakabihis na. Tumango ako bilang tugon. "Kumain muna tayo. Nagpahanda ako ng almusal."
Mabilis akong umiling.
"Hindi na kailangan. Kung hindi mo mamasamain ay gusto ko na sanang umuwi na talaga."
Saglit siyang natigilan bago dahan dahang tumango. Napatingin siya sa suot ko at nagtagal ang tingin sa aking mga hita. Bigla akong naasiwa.
"H-hindi ko na nakita ang damit ko kahapon . Pwede ko ba munang hiramin ang damit nato? Ibabalik ko lang."
Tango lamang ang kanyang naging sagot.
Tinuro ko ang labas. "Sa labas lang ako,"
Hindi siya sumagot kaya't tinalikuran ko na siya at naunang lumabas. Pinihit ko ang siradura ngunit laking gulat ko nang hindi ito mabuksan. Sinubukan ko uli ngunit hindi talaga bumubukas. Halos mapatalon ako nang maghinang ang mga kamay naming kapwa nakahawak sa siradura.
"It's protected by a fingerprint," aniya. Nagulat ako nang maramdaman ang katawan niyang halos dumikit na sakin. Dala nang gulat ay hinarap ko siya at pwersahang natulak. Hindi siya natinag at imbes na lumayo ay mas idiniin pa ang sarili sakin.
"Afraid?" maangas na saad niya.
Napaangat ako ng tingin sa kanya.
"Sa ikinikilos mo ay parang takot na takot kang tila may gagawin akong masama sayo..." itinukod niya ang isang kamay sa pinto. "Kung iniisip mong gagahasa!n kita ay wag kang mag-alala. Hindi pa ako ganon ka sama at wala akong balak na dungisan ang reputasyon ko sa bayang ito. Yes I fvck, pero hindi ako namimilit. I f****d pero sa mga piling babae at hindi ako basta-basta na lamang pumapatol...sa kung sinu sino lang. So, suite yourself because I am not thinking of bedding you." sunod-sunod na patutsada niya.
Tinalikuran niya ako at lumabas sa silid. Ilang minuto rin akong natigilan sa sinabi niya. Nakaramdam ako ng hiya at pagkalito.
—mimi