Riley “Gising!” Bulyaw ng isang lalaki pagkatapos ako buhusan ng isang balde ng tubig na may yelo. “Augh,” napa-kislot ako sa hapdi ng mga sugat ko na nabasa pero pinigil ko ang sarili na mag ingay. Nag angat ako ng tingin mula sa pagkakahandusay sa sahig para lang makita ang limang lalaking nasa harapan ko. Lahat sila may tatoo na ram sa kanang parte ng leeg kasama ng mga nagtangkang dumukot sa'kin kanina. Napatingin ako sa labas ng bintana, bilog na bilog ang buwan at sa tingin ko nasa alas dos na ng madaling araw base sa posisyon nito. Pangalawang beses na 'to na ginising nila ko. Nakakatakot pero nawalan na ko ng lakas para lumaban dahil sa mga pambubugbog nila kanina na nagpatulog sa'kin. Ni hindi na ko makakita ng maayos sa kanan kong mata. Ginalaw ko ang mga braso ko para l

