“Magkakamatayan na tayo dito, walang aalis hangga't walang namamatay.” Tatawa tawa kong hinawi ang buhok ko pataas. Mahangin na rin kasi dahil malapit na kami sa dagat. “I'm sure na hindi mo rin naman ako bubuhayin, 'di ba, uncle?” “So, naaalala mo na pala.” “Oo. Pati na ang pagkakaibigan niyo na sinayang mo dahil pinatay mo siya!” Nawala ang galit sa mga mata niya at bigla siyang lumambot. Napangiti siya, parang may inaalala. “Kami ni Grelle, we both decided to take law because we have something in common. Know what that is? The belief that humanity can't be purified without the proper use of justice.” Kumunot ang noo ko. “What do you mean by purified?” “Justice is something that isn't supposed to be served only in the court. The need of it is everywhere, Riley.” Paliwanag niya. I

