"What are you looking at, kid?" "Madilim na po kasi. Hindi ko na naabutan ang paglubog ng araw. " "You would not appreciate the sunset especially during winter. Go inside it is freezing out there." "Okay po." Pumasok kami sa loob ng mansyon at mabilis isinara ng dalawang lalaki ang bahagi ng pinto na mas maliit kaysa sa kabuuan dahil malakas na nga ang hangin sa labas. "Sir, your coat," kuha ng isang lalaki sa suot ni Tatang na makapal na damit. Hinayaan naman siya ng huli para maisabit 'yon doon sa nakatayong bagay malapit sa pinto. "What?" "Kung malamig, bakit mo pinatanggal Tatang?" "You should stop asking foolish questions. What are you, a moron?" "Paano matututo ang mga tao kung walang mabait na sasagot sa mga katanungan nila.." Bulong ko sa sarili at saka isinabit na lang

