Chapter 47

2013 Words

Makulimlim ang langit at tuloy ang mga butil ng nyebe sa pagpatak dahilan para manigas ako sa sobrang lamig at magkulay puti halos lahat ng bagay sa paningin ko; 'yong malawak na lupain, mga damo at matataas na puno na pine trees daw kung tawagin, at 'yong  mansyon ni manong na kanina'y parang kulay kape ay lumalamlam na din para sa'kin. Ang tanging may kulay na lang ay ang dalawang taong may ginintuang buhok na narito ngayon sa harapan ko. Bumaba ng hagdan ang matangkad na lalaki, o dapat ko bang sabihin na lolo ni Anastasia kahit hindi naman sila pareho ng aura. Nakakatakot kasi siya, sa tingin niya pa lang pakiramdam ko ang liit liit ko na. Para bang isa akong tilapia tapos siya ay pating.  “R-Riley po, tatang.” Bulong ko sa hangin. Napansin ko pa ang parang puting usok na naibuga ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD