Parang isang panaginip ang nangyari kagabi— malabo man ay mahiwaga pa rin at sa sobrang bilis, parang hindi naman siya totoong nangyari. Heto tuloy ako, nag iisip maigi kung totoo ba 'yon. Pero siguro naman oo kasi gumising kami ni Anastasia ng magkatabi sa kama eh. “Breakfast delivery,” ngiti ng mapapangasawa ko sa may pinto ng kwarto. “Hot chocolate milk and cookies for Evol.” “Mmm.. Ang bango! Tamang tama 'yan, gutom na ko eh.” “Yes, I know. Your stomach woke me up anyway.” Hagikhik niya. “Here, drink it so your fever would go down. Kailangan din mag-adjust ng katawan mo sa climate dito, you can't afford to get sick today because we're going out.” “Salamat,” sabi ko nang ilapag niya ang tray sa bedside table at maingat na ibinigay sa'kin ang mainit na tsokolate. “Saan tayo pupunta?

