“Ang ganda pala talaga ng tanawin kapag nagdito ka sa taas, 'no?” “Not at all, Riley. Marami pang mas maganda compared to that. Actually, hindi mo na nga kailangang lumayo para makita ang mga 'yon.” Nilingon ko si Anastasia na katabi ko lang, prente siyang nakaupo dito sa loob ng helicopter na nakahalukipkip pa ang mga braso. Napakainosente niya tingnan habang abala siya sa pagtanaw sa kabilang bintana, para bang walang kakaiba sa sinabi niya ngayon ngayon lang. “Ngayon lang kita narinig mag Tagalog.” Medyo gulat kong sabi. “Akala ko hindi ka marunong?” “Geez, Riley. Maiintindihan ba kita kung hindi? My mom and grandma are both Filipinos. Lumaki lang ako sa States kaya I'm not that comfortable to their native tongue. The exact same reason why I don't used it often. I feel like I'm rui

