Chapter 44

1954 Words

“Ang ganda naman dito, Anastasia. Ito pala 'yong nakita kong mailaw na lugar nung nandoon ako sa may lighthouse.”  “Mm, probably.”  Pinaandar niya ang kotse nang gumalaw na ang mabagal na daloy ng trapiko. Kasalukuyan naming binabaybay ang kahabaan ng kalsada at marami akong nakikitang gusali na may mga palamuti at ilaw, ganoon din naman sa kalsada. Minsan naman 'pag natitigil ang sasakyan dahil sa trapiko nadadaanan kami ng mga bata na namamasko. Naisip ko tuloy kung ginagawa ko ba 'yon dati, mukha kasing masaya. “Bakit?” Tanong ko kay Anastasia nang mahuling nakatitig siya sa'kin.  “You look like you're enjoying yourself.” “May problema ba do'n?” Umiling siya at ngumiti. “I'm just happy you're finally here with me. I was thinking of you the entire time I was in jail.” “Nakulong ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD