I counted the 5th sunset as I stroll down the beach barefoot. Pasko na mamaya kaya't walang tao sa tabing dagat, lahat abala sa taunang pagsasalo. Dapat masaya din ako kagaya nila kaya lang itong puso ko parang pinipira-piraso. Pakiramdam ko umiiyak 'yong lumulubog na araw, ayaw niyang umalis pero kailangan. Bakit kaya pamilyar ang pakiramdam na 'to? Umakyat ako sa tinurong lighthouse ni Buknoy kanina, medyo nakakatakot dahil masyadong mataas at mahangin pero tama siyang maganda nga dito. Kita ang buong karagatan, mga puno at kabahayaan. Natutuwa pa nga ko habang hinahanap kung nasaan ang sa'min. Sa kalayuan, marami ng liwanag na galing sa mga sasakyan at mga gusali. “Ano kayang mayroon doon? Malapit kaya ang sinasabing paaralan ni Sir Harvey sa mga liwanag na 'yon?” Umupo ako malapit

