NIYAKAP ni Dave si Dimitri nang makita niya ito. Hindi niya mapigilang ang hindi matuwa dahil tinanggap nito ang relasyon niya kay Olivia. “Salamat at tinanggap mo kami ni Olivia,” ani niya sa kapatid. Si Olivia ay nasa loob lamang ng sasakyan at naghihintay sa kanya. “Ingatan mo siya, Dave. Alam mo kung gaano kahalaga sa akin si Oiivia. Buong buhay ko ay iningatan ko siya.” “Hindi mo kailangan sabihin ‘yan dahil ‘yan ang ginagawa ko ngayon. Mahal na mahal ko si Olivia. Siya lamang ang taong tumanggap sa akin.” Ngumiti si Dimitri sa kanyang sinabi. “Ikaw? Kailan mo ipaglalaban ang nararamdaman mo? Kailan mo siya ipaglalaban sa mga magulang natin? Hindi mo naman kailangan na ipangalandakan kung ano ka. Ang mahalaga ay maging totoo ka sa sarili mo.” “Hindi ko yata kaya na magalit sila

