GULAT na gulat si Dimitri dahil sa nalaman. Walang kaalam-alam ang kanyang mga magulang na kanina pa siya nasa labas ng pintuan at nakikinig sa usapan ng mga ito. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman ng mga oras na iyon pero isa lang ang malinaw sa lahat ng usapan na kanyang naririnig niya---hindi niya tunay na kapatid si Dave. Hindi ito tunay na anak ng kanyang ina dahil anak lamang ito ng kanyang ama sa ibang babae. Ngayon ay naiintindihan niya kung bakit ganoon na lamang ang galit ng kanyang ina kay Dave at kung bakit hindi nito magawang mapatawad ang kanyang kapatid. Maliban sa pagkamatay ni Diane ay may iba palang pinagmulan ang galit ng kanyang ina. "Hindi ko tunay na kapatid si Dave?" tanong niya sa usapan ng kanyang mga magulang na nagulat nang makita siya..."At wala talaga k

