Sinadya ni Olivia na puntahan sina Mama Amanda at Papa Ariel sa presinto dahil gusto niyang makausap at kumustahin ang mga ito. Walang alam si Dave sa ginawa niyang pagdalaw sa mga magulang..Nasasaktan siya sa mga pangyayari, lalo na’t parehong mahahalagang tao sa buhay niya ang sangkot. Naawa rin siya kay Dave, na uhaw sa pagmamahal ng mga magulang. Hindi niya rin lubos maisip na pinatay ng mga taong itinuturing niyang magulang ang tunay na ina ni Dave. Buong buhay niyang tinitingala ang pangalang Castillo, ngunit may itinatago palang lihim ang mga ito—isang lihim na mahirap tanggapin. Galit ang mukha ng itinuturing niyang ina nang harapin siya nito. Wala siyang nakitang pagsisisi o paghihirap sa mukha ni Mama Amanda; si Papa Ariel naman ay hindi na siya hinarap. “Nandito ka rin ba para

