Nanginginig ang katawan ni Dave habang tinititigan ang kalansay na nahukay sa bakuran ng mga taong itinuring niyang magulang. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman, ngunit ang galit na kanyang nararamdaman ay nangingibabaw. Kahit naniniwala siya kay Yaya Lydia ay pinilit pa rin niyang kumbinsihin ang sarili na hindi iyon magagawa ng kanyang mga magulang. Mabubuting tao ang akala niya sa mga ito, ngunit nagkamali siya. Ang natuklasan niya ay nagsabi lamang ng isang bagay na malupit ang mga itinuring niyang magulang; mga demonyo ang mga ito na nagkukunwari. Walang kaluluwa. Walang awa. Naramdaman niya ang paghawak ni Olivia sa kanyang kamay. Gulat na gulat din ito, at si Dimitri ay ganoon din. Napatingin siya kay Mama Amanda; hindi ito makatingin nang diretso sa kanya, at ala

