HINDI alam ni Olivia kung ano ang mararamdaman niya pagkatapos ng mga nasaksihan niya kanina sa baba. Pakiramdam niya may iba pang nangyayari bukod sa inamin sa kanya ni Dave. Naguguluhan siya. Sa tagal niyang kasama ang pamilya Castillo ay ngayon niya lang nasaksihan ang nangyari kanina. Ang galit ng bawat isa kay Dave at kung paano sumagot si Dave sa mga magulang nila. "Dimitri," wika niya sa lalaki. Nilalaro nito si Viah. Napatingin sa kanya ang lalaki. Nakaupo ito sa kanyang kama ng nga oras na 'yun. "Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit pakiramdam ko may nangyayari sa pamilyang ito na hindi ko alam? Hindi ba parte naman ako ng pamilyang ito?" pag-uusisa niya pa sa lalaki. "Alam kong ito ang unang pagkakataon na narinig mo ang pagtatalo namin. Madalas naman na nangyayari ito, Olivia.

