Nagulat si Angie nang maagang bumusina ng sasakyan si Evonne sa labas ng kanilang bahay. Hindi niya alam kung ano ang pakay nito nang ganoong oras. Napatingin siya sa may wall clock. Quarter to six pa ng umaga. Tumayo siya upang sumilip sa bintana. Kumaway sa kanya ang kaibigan nang makita sya sa bintana ng ikalawang palapag. Nakangiti pa ito sa kanya bago pumasok sa front door ng kanilang bahay. Napakunot noo sya. Hindi n'ya inaasahan na darating ang kaibigan. Wala naman silang usapan na magjo-jogging nang umagang iyon. Isa pa may lakad sila ni Kyle. Hindi pa n'ya nasabihan ang kaibigan na hindi sya pwede sa araw na iyon. Naupo s'yang muli sa kama. Hinintay niya ang kaibigan na makaakyat. Sanay na sya rito na dumidiretso ito sa kwarto n'ya sa tuwing pumupunta ito roon. Narinig niyang k

