It was a beautiful sunrise for her. She stretches her arms and body. Exactly seven in the morning. Napapangiti siya dahil pakiramdam niya napasarap yata ang tulog niya kagabi. Tumatak sa isip niya ang image ng mukha ni Kyle. Tila nakangiti ito sa kanya. Hays, ano ba naman yan.. Pumasok siya sa bathroom. Nagsalamin siya at naglinis ng sarili. Palabas na sana siya ng bumukas ang pinto. Si alvin iyon. Ngumiti siya rito saka tuluyang lumabas. Tiyak siyang nagtataka ito sa aura niya ngayon na tila masiyahin siya ng umagang iyon. Naabutan niya si Manang Lolita na nagliligpit ng gamit sa dining. "Si Mommy?" "Nasa terrace po ma'am," mahinang sagot nito. "Ah, sige gawa'n mo ko ng hot water with lemon." "Sige ho." Pinuntahan niya ang Mommy niya roon. Humalik siya sa pisngi ng ina saka naupo

