Napapalibutan ng malalaki at matatayog na puno ang dinadaan nila. Manghang-mangha si Angela sa mga bagay na kanyang nakikita. Iyon ang gusto nya ang maglakbay sa mala-paraisong kagubatan. Malaki-laki nga ang Islang iyon. Pangarap n'yang malibot ang buong Isla. May isang tanong na pumasok sa isip nya.
"Can I ask?" Tanong nya.
"Sure, what is it?"
"Why did you named it Belmonte Island?" Curious n'yang tanong.
Lumingon ito sa kanya at binasa ang nasa isip nya. Umiwas sya ng tingin at tumingin na lamang sa dinaraanan.
"It's from our Ancestors they called it Beautiful Mountains."
"Oh, I see."
"May tanong ka pa?"
Napalingon sya rito. Nakangiti lamang ito habang nakatingin sa kanya.
"We have springs here, I'll bring you there when we have time."
"Talaga?" Excited n'yang tanong.
Tumango ito nang nakangiti.
Nagagalak ang kanyang kalooban dahil sa kabaitan na pinaparamdam nito. Napalis ang ngiti nya nang maalalang kailangang makauwi na sya ng Maynila nang araw na iyon. Tatlong araw lang kasi ang ipinaalam nya sa Mommy nya. Inihabilin nya rin ang mga paper works sa Secretary nya dahil sabi nya rito na babalik din sya after 3 days. Napagtanto n'yang maiksi lang pala ang tatlong araw para sa sariling pamamasyal.
Naisip n'yang marami pa pala s'yang dapat na tapusin sa office. Sigurado s'yang muli na naman s'yang mai-stress sa pagbabalik nya. Hindi dahil sa work kundi kay Alvin. Ayaw nya minsan sa inaasta nito. Minsan kasi ay magulo itong kasama. Masyado pa itong mausyoso. Mahilig magtanong-tanong kung ano ang ginagawa nya, kung sino ang kasama nya at sa kung saan sya pumupunta. Ayos lang sana kung minsan lang magtanong subalit masyado na s'yang naiirita kapag lagi-lagi.
"Ayos ka lang? Natahimik ka?" Untag ni Kyle sa kanya.
"Yeah, may naisip lang ako."
"Do you have a problem?"
"Nothing." Pilit s'yang ngumiti.
Ilang minuto silang natahimik. Tanging tunog lamang ng mga kuliglig ang maririnig.
"Where we goin'?" Tanong nya.
"Basta."
Napataas ang kilay nya. Hindi nya naiwasang tumunog ang t'yan nya. Tanda iyon na kailangan na n'yang kumain. Napakunot ang kanyang noo nang makitang mahinang tumawa ang binata.
"Gutom kana? Don't worry malapit na tayo."
"Kanina mo pa 'yan sinasabi." Nakasimangot n'yang wika.
Tumawa muli ito. Inirapan na lamang nya si Kyle. Ilang saglit pa ay pumasok na sila sa isang malaki at malapad na gate na kulay itim. Lumingon-lingon sya sa paligid upang pagmasdan ang malawak na kalupaan. Nakita nya ang karatulang may nakaukit na salitang Hacienda de Madrigal.
Wala s'yang ibang napansin kundi ang maiiksing mga damo at ilang mga punong matatayog. Sa di kalayuan malapit sa gate mayroon s'yang nakitang bench. Malinis ang paligid sapagkat wala ni isang nakakalat. Tanging mahabang daan lamang ang makikita na kailangang tahakin. Wala s'yang nakita na kahit na anong masasakyan.
"I feel tired. Kanina pa tayong naglalakad." Sabi na lamang nya.
Binuksan nya ang cellphone na dala, 9 am na nang umaga. Kalahating oras din ang ginugol nila sa paglalakad. Hindi sya sanay na maglakad nang ganoon katagal.
"I know, can I use your phone?"
Ipinasa nya rito ang cellphone nya. Lumayo ito sa kanya ng kaunti. Mayroon itong tinawagan. Lumingon s'yang muli sa paligid. Sa tingin nya ay mayaman nga ang angkan ng lalaking ito. Sapagkat kung ihahalintulad sa kanya nangangalahati lang siguro sila.
Ilang saglit pa ay bumalik na ito sa kinaroroonan nya at ibinigay muli ang cellphone. Iginiya sya ni Kyle na maupo sa bench. Natanaw nya sa di kalayuan ang Land Rover na paparating. Lumuwag ang kanyang pakiramdam. Alam n'yang maaaring si Kyle ang nagtawag niyon.
Huminto ang sasakyan sa tapat nila. Bumaba ang sakay na matandang lalaki at yumuko ng saglit kay Kyle saka nagsalita. Tumingin rin ito sa kanya. Ngumiti lamang sya bilang tugon rito.
"Sir Kyle, hinihintay na po kayo ni Senior."
"Sige Mang Benedict."
Kinuha ng matanda ang dala-dala ni Kyle na backpack nya. Saka nito iyon ipinasok sa likod ng sasakyan. Naupo narin ito sa likod. Ipinasakay sya ni Kyle sa front seat saka ito lumibot at naupo sa driver's seat. Ngumiti muna ito sa kanya saka pinaandar ang makina.
Tuwang-tuwa sya sa mga kabayong nakikita habang nasa byahe. Kumakain ito ng mga damo. Napansin nya ang isang kulay puting kabayo. Ito lamang ang naiiba roon na kulay. Parang gusto n'yang sakyan iyon at maglibot. Napangiti sya sa naisip. Napansin iyon ni Kyle kaya't nagsalita ito.
"So, ngayon okay kana?"
Tumango sya bilang tugon.
"Do you want that white horse?"
Napalingon s'yang muli sa binata.
"If it's fine, Can I ride?"Pangangamba n'yang tanong.
Umaasa s'yang papayagan sya nito. Minsan lamang n'yang ginawa iyon, ang sumakay ng kabayo.
"I have experience on horse riding." Nakangiti n'yang wika.
"Sige."
Mas lalo s'yang na-excite. Pakiramdam kasi nya parang gusto nya ang kabayong iyon. Ayaw n'yang mag-isip ng masama pero parang hinihikayat sya nito na gawin iyon.
Parang isang mansion ang bahay na kanyang natatanaw dahil sa anyo nito. Matapos maipark ni Kyle ang sasakyan ay bumaba narin sya. Sya na mismo ang nagsuot sa backpack nya. Nakaramdam sya ng kaba. Kinausap muna nito ang may edad na babae saka ito lumapit sa kanya.
"This is our home. Nasa loob sina Mom and Dad. Ipapakilala narin kita kina Grandma at Grandpa." Nakangiti nitong sabi.
"And don't worry mababait sila kaya 'wag kanang kabahan."
Ngumiti sya para naman mabawasan ang kaba nya. Kinuha ni Kyle ang backpack nya at ibinigay sa katulong. Pagkatapos ay iginiya na sya nito papasok.
"You didn't even told me na dito mo pala ako dadalhin, sana naman naka-prepare ako." Pabiro n'yang wika.
Tumawa naman ito ng mahina.
"Nothing to prepare, you're all prepared." Wika nito sabay kindat.
Hindi nya alam kung kikiligin o matatawa rito.
"Look, hindi man lang ako nakapag-ayos." Giit nya.
"Look at yourself. Maayos at maganda ka naman. Nothing to worry." Seryosong wika nito.
May sasabihin pa sana sya pero nung marinig nya 'yon ay natahimik sya. Parang ibang kilig ang lumaganap sa buo n'yang pagkatao. Ayaw n'yang aminin pero parang mamumula na ang pisngi nya sa kilig na nararamdaman. He's just the only guy who made her feel that way.
Palakas nang palakas ang t***k ng puso nya. Palihim s'yang napapangiti habang sila'y naglalakad. Nawala tuloy ang kaba nya para sa mga magulang nito dahil napalitan iyon ng kakaibang kilig. May mga lalaking nagsabi rin ng ganoon sa kanya pero iba sa pakiramdam at pandinig ang mga salitang nanggagaling sa lalaking ito.