Panay ang kwento ni Kyle habang binabagtas nila ang makipot na daan pabalik sa beach. Pangiti-ngiti na lamang sya bilang tugon sa mga sini-share nito. Luminga-linga siya sa paligid.
"We used the shortcut," Nakangiti nitong sambit.
"Ah, kaya pala."
"Actually masarap ngayon mag-surf mahangin at malakas ang alon." Wika nito while he spread his arms. Dinaramdam ang hangin habang nakatitig sa kanya.
"Yeah, hindi masyadong mainit. Malakas nga ang hangin. A perfect weather for me to surf," mahina n'yang sagot.
Naglakad-lakad pa silang muli sa dalampasigan hanggang sa makarating sa kinaroroonan ng yate kung saan niya ito iniwan. Tinanggal ni Kyle ang suot na slippers. Panay parin ang pakikipag-usap sa kanya nito. Hindi nya maipagkakailang palakwento itong tao, masayahin at masarap kausap. Parang walang problema sa buhay. Isang oras pa lamang silang magkasama ay naging komportable na sya sa bagong kaibigan.
She doesn't know but she felt the sincerity on his face and for being secured. Napangiti sya sa kaunting kilig na nararamdaman nya. She never tried to have a commitment with men. This was different. Alam ng puso nya ang sinisigaw nito pero mas pinili n'yang balewalain iyon sapagkat alam nya ang tama na dapat gawin. Bago lamang nyang nakilala si Kyle. Hindi pa niya alam ang tunay nitong pagkatao.
"Can I join you?" Nakangiti itong nangungusap.
"Yeah sure, but I only have one board."
"Don't worry, hati nalang tayo."
Napakunot-noo sya na tila natatawa.
"What?"
Tumawa ito ng mahina.
"I'm just kidding."
Lumabas ang mapuputi nitong mga ngipin habang nakangiti. Ang mapupungay nitong mga mata na kaysarap tingnan. Nakakabuhay ang aura ng binata kapag kasama ito. Parang naku-cute-tan sya sa tuwing ngumingiti ito.
Hays, Angela what is that? Iba ang dating sa iyo ng lalaking ito. Eto pa naman ang ideal guy mo yung mabait na may sense of humor pa.
Nakangiti ang puso at isip nya. Kinurap-kurap nya ang mga mata at inalis ang isiping iyon. Tinapik-tapik pa niya ang pisngi upang tuluyan nang magising sa pantasyang iyon. Gusto n'yang kalabanin ang mga sinasabi ng isip at puso nya.
Inisip na lamang n'yang hindi ganun ka easy na paibigin sya ng binata. Isa pa he's a stranger simula palang. At hindi pa sya pwede munang magtiwala agad-agad. Ano ba ang pumasok sa utak niya at kung anu-ano nang mga bagay ang lumalabas roon. Hindi siya pwede maging feeling close rito dahil kakakikilala pa lamang nya rito.
But he saved my life and looked at his face, he's handsome and.. gentleman.. Aarrrggh.. I really hate this.
"Are you okay?" Nagtatakang tanong nito.
Tila muli s'yang bumalik sa realidad. Nababaliw na yata siya. Ngayon lamang sya nakaramdam ng ganoon katinding pakiramdam na parang nagiging absent minded sya. Tila nagtatanong ang mga mata nya habang nakaharap sa binata.
"I said, get your staff and enjoy the beach. It's getting hot." Unti-unti itong dumistansya sa kanya.
"What about you?"
"Don't worry I'm not gonna surf. I'll stay here and enjoy watching you." Sagot ni Kyle.
Pagkatapos ay nahiga na ito sa duyan na naroon sa ilalim ng puno ng niyog. Hindi naman ito kalayuan. Tumingala sya sa punong nasa itaas nito.
"Wag mo nang isiping mag-alala wala naman mahuhulog puro buko lang yan," kampante nitong sabi.
Napakunot-noo sya. Para bang nababasa nito ang mga iniisip nya.
Not all. Sa isip nya.
Enjoy na enjoy s'yang pinagmamasdan si Angela habang nagsu-surf. Hindi maalis ang kanina pang ngiti sa mga labi nya.
She's different from the other girls. Nakangiti n'yang sambit sa sarili.
He always love seeing her innocent face. Nawawala ang problema nya sa tuwing nakatitig sya rito.
Muling bumalik sa gunita nya ang gabing kung kailan muntik nitong ikapahamak. Buti na lamang at eksaktong pagdaan nya nang gabing iyon. Galing sya noon kay Cressida upang makipag-usap at makipaghiwalay dahil sa nalaman nya mula sa kaibigan.
Nakaramdam sya ng awa noon kay Angela. Mahina nga ang loob nito sapagkat kay bilis nitong nahimatay. Mas pinili n'yang dalhin ito sa bahay nito nang malaman ang address mula sa katulong nito. Hindi na nya naisip nang pakialaman na nya ang phone nito dahil sa emergency. Buti na lamang at ang katulong nito ang sumagot dahil narin sa naka-phonebook na pangalan ng katulong sa phone ni Angela.
Habang walang malay noon si Angela, tinawagan nya si Manong Julio upang sunduin sila. Nagpahatid sila sa bahay na itinext ng katulong ni Angela. Muling naalala nya noong karga nya ito papasok ng kwarto. Unang beses n'yang pasok noon sa bahay ng dalaga ay napag-alaman na niyang maykaya ang mga ito sa buhay.
Napangiti sya nang maalala rin kung paano napako ang paningin nya sa kagandahan nito. Ilang minuto rin n'yang tinitigan noon ang mukha ni Angela na parang gusto niyang imemorize.
Hindi sya makapaniwala na ngayon ay kasa-kasama na nya ito. Nakakausap pa nya. Noong una ay ayaw n'yang aminin na may nararamdaman na sya sa dalaga kahit nung una pa n'yang masilayan ang ganda nito. Ilang beses man nya itong nakita sa Palawan ay ayaw nya rin itong lapitan sapagkat alam n'yang hindi sya makikilala ni Angela. But now sure s'yang kakaiba na ito ngayon.
I felt alive when I'm with you..
Nakangiti sya habang pinagmamasdan ang papalapit na si Angela. Super sexy nito sa suot na two piece black bikini na bumagay naman sa balat nito. Mas lalong tumingkad ang kulay ng balat ni Angela.
I love the way you look..
Halos mapakagat-labi sya sa pagtitig kaya't umiwas na lamang sya ng tingin sa kabuuan ng dalaga. Ayaw n'yang makaramdam uli ng kakaiba sa kanyang pagkatao. Naalala pa naman n'yang lalaki sya at ayaw n'yang mabastos ito.
"So how's your-?" Hindi pa man nya natapos ang sasabihin nang sumagot agad ito.
"Great," nakangiti sagot ni Angela habang nagpupunas ng buhok.
Nakatitig lamang sya rito. Lumalabas ang pagiging mestisa nito lalo na't nakalugay ang buhok at medyo magulo.
"You're so attractive." Walang kime n'yang sambit.
"Compliment ba 'yun?" Nakangiti ito habang nakatingin sa kanya.
"Ah, huh? Y-yes." Nauutal n'yang sagot.
Hindi nya inakalang maririnig nito iyon kahit alam n'yang pabulong ang pagkakasabi nya. Lihim siyang napangiti saka tumayo.
"So, what's your next move? I mean, next thing to do?" Tanong niya.
Tila nag-iisip pa ito nang gustong gawin.
"Ah, hah. What if you show me some places here, that looks wonderful and amazing like what I've seen a while ago. You know what, everything here looks so enchanted."
Napaisip sya.
"Do you have extra clothes?"
Tumango ito bilang tugon.
"Yes, why?"
"Get it, 'cause I'll bring you somewhere."
Hinintay niya itong makapagbihis. Nang makababa na ito mula sa yate ay hinawakan nya ang kamay ni Angela at hinila ito. Napasunod naman ito sa kanya nang maglakad siya. Isinama niya ito pabalik ng mansion.