Chapter 7

998 Words
Kyle wasn't sure kung namamalik-mata lang ba sya o hindi. Here's again the woman who was standing not so far behind him. Nakatitig ito sa kabuuan nya. Napakurap ito nang mapansing nakatitig rin sya rito. Hindi ito makatingin sa kanya. Napangiti sya. Ngayon sya magkakaroon nang pagkakataon upang makausap at makilala ang dalaga. Napaatras ang babae at umahon sa sapa. Mabilis s'yang nakalapit dito bago pa man ito makalayo. Baka kasi maglaho na naman ito. "Hi, you are?" Nakangiti sya habang nakalahad ang kanang kamay. Pinagmasdan nya ang kabuuan nito. Sa tingin nya ay nasa around 5'6 ang height nito sapagkat ilang inches lang naman ang lamang nya rito. Bakat na bakat ang suot nitong black two piece, a bikini na pinaiibabawan lamang ng manipis na telang kasuotan. Makinis at maputi naman ang balat nitong kulay gatas na tila kay sarap haplusin. Masasabi mong alagang-alaga nito ang sarili sa ayos nito. Gumapang ang kanyang paningin sa mukha nito. Animo'y isang magandang diwata dahil sa natural na taglay at simple nitong kagandahan. Meron itong mala-anghel na nangungusap na mga mata. Matangos ang ilong at maninipis na mapupulang mga labi. Hindi nya maintindihan ang sarili sa kakaibang nararamdaman ng kanyang pagkatao. Nag-iwas sya ng tingin. Tila ay nagdadalawang-isip pa ang dalaga kung makikipagkamay ba o hindi. Hanggang sa tinanggap na lamang nito ang pakikipagkamay nya. "Angela," nakangiti nitong wika. Sa wakas ay nalaman rin nya ang pangalan nito. Para s'yang natunaw sa ngiti na ipinukol nito sa kanya. Naramdaman rin n'yang napakalambot ng palad nito na parang kay sarap hawak-hawakan at tila ayaw na niyang bitawan. Matapos makipagkamay ay naglakad sya papalapit sa bato upang kunin ang damit at shorts niya. "Don't you know this is a private property? Anong ginagawa mo rito?" Mahinahon n'yang tanong habang isinusuot ang tuyong damit. Napataas ang isa nitong kilay sa tanong nya ngunit binawi naman nito agad. Nang magsusuot na sya ng shorts ay umiwas ito ng tingin at tumalikod. "Ahm, sorry for trespassing. I'm just on a passage when I saw this Island not so far. And I'm just curious, I mean it was an interesting place to land and look around. And yeah, this was a nice place." Explain nito. "Yes, you're right. I'm done." Sang-ayon nya rito. "How about you? What's your name?" Tanong nito nang humarap sa kaniya. "Kyle, Kyle Alexander Madrigal.." "You know, you look familiar. I don't know kung saan kita nakita." Curious na tanong nito. "Sa Puerto Princesa, dun mo ko nakita." Diretso n'yang sagot. Lumapit syang muli rito. Noong una pa lamang n'yang kita rito ay nagkaroon na sya ng interes subalit binalewala nya na lamang iyon sapagkat inisip niyang hindi na ito makikita pang muli. Pero nagkamali sya. "Yeah but before that, I am really sure na I've met you already. I don't know where." "Sa park," agad n'yang sagot. Parang napaisip pa ito. "Tama nga ako, it was you." Mahina nitong sambit. Tumingin ito sa kanya. That bright sparkling eyes.. A face of an Angel where I've always wanted to stare. Laman iyon ng kanyang isipan. Pakiwari ni Kyle ay isa itong anghel na mula sa langit na ibinigay ng maykapal para sa kanya. Hindi man si Cressida ang babaeng para sa kanya may ipinalit naman ang Panginoon. Isa lamang ang tumatak sa isipan ni Angie. Ang nagbabaga nitong mga mata at maamong mukha na kahit sa dilim ay bakas ang kagwapuhan. Misteryosong lalaki na kahit saan sya magpunta ay palagi nya itong nakikita. Nabuo sa kanyang isipan ang isang conclusion. Finally I remembered. A stranger that never stayed away wherever I go. Without knowing a guy who was destined to be mine. She doesn't know kung bakit iyon ang mga katagang lumabas sa kanyang isipan. Ngayon ba ay naniniwala na sya sa salitang destiny? Sigurado na ba talaga sya sa kanyang nararamdaman na walang pag-aalinlangan? Naguguluhan sya. Ayaw man n'yang aminin, pero parang iba ang nararamdaman nya sa lalaki sa tuwing nakatitig ito sa kanyang mga mata. "Tell me, are you the one who helped me that night?" Ang gabing iyon ang tinutukoy nya kung saan isang pangit na pangyayari ang naranasan nya na muntikan na n'yang ikasira. "Yes." Mahina s'yang napatango. Napagtanto n'yang mabait nga itong tao. Kung pribado ang lugar na iyon, ibig sabihin tagaroon ang lalaking ito. Natahimik na lamang sya. "So what are you planning to do now?" Binasag nito ang katahimikan. Muli s'yang napatingin sa binata. "If it's okay to you, pwede ba akong mag-surf mamaya?" Pakiusap nya. "Sure, libre ang dagat." Nakangiti nitong sagot. "But maybe.." Tumingala ito at pinakiramdaman ang panahon. "Mukhang uulan. Hindi ka yata makakapag-surf." Napakunot noo sya at luminga linga sa paligid. "I'm just kidding." Inirapan nya ito. Tumawa naman ito ng mahina. That sweet little smile of a guy makes her tickled. Lalo s'yang nakaramdam ng pagtibok ng kanyang puso. The unfamiliar feelings na ngayon nya lang naramdaman sa buong buhay nya. Lalo nung hawakan nito kanina ang kamay nya tila kuryenteng dumaloy sa buong katawan nya. "Halika, I wanna show you something that I'm pretty sure you'll love." Hila-hila nito ang kamay nya habang sabik na sabik na ipakita sa kanya ang tanawin na alam nitong magugustuhan nya. Tinahak nila ang S-form na daang paakyat. Nakangiti nitong ipinakita sa kanya ang overlooking na talampas. Lumingon sya sa buong paligid. Tanaw na tanaw nya mula rito ang puting yate na kanyang sinakyan kanina. Masarap sa pakiramdam ang malamig na simoy ng hangin doon na dumadampi sa kanyang balat. "This is the best location of this Island. Ang pinakagugusto ko. Mahilig kaming tumambay rito ng pinsan ko noong bata pa kami. We always played hide and seek in this area dahil sa malalabong at matatayog na mga puno." Galak na galak na ikinuwento sa kanya ni Kyle ang mga karanasan ng binata noong kabataan nito. Para itong matagal na n'yang kakilala kung makipag-usap. Natutuwa naman sya sa pagiging palatawa nito. Parang gusto n'yang palagi itong kasama dahil sigurado s'yang hindi sya ma-bobored.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD