CHAPTER 71

2860 Words

Nakaupo sina Theo, Sofia at Theodore sa hapag-kainan at pinagsasaluhan ang almusal na inihanda ng pangalawa. Sa kaliwang side at magkatabi ang mag-ina habang sa kanan naman si Theo at nasa harapan nila. Mababanaag ang pagtataka sa mukha ni Sofia habang sinusulyapan si Theo. Nagtataka siya sa nakikitang kinikilos nito. Ilang subo pa lang ang nagagawa nito sa pagkaing nasa plato nito pero ngayon ay tulala ito at mistulang malalim ang iniisip habang nakatingin lang sa plato nito. Sa kanyang palagay ay may dinadalang problema o kung ano pa man ang mister niya na hindi niya alam kung ano. Samantala, nagbuntong-hininga naman si Theo. Hindi niya mapigilang isipin ang kakaibang napaginipan niya kagabi. Malinaw sa kanya ang mga salita ngunit malabo ang mga taong nag-uusap sa panaginip niyang ‘yon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD