Gabi na nang umuwi sina Theo at Theodore sa bahay. Buhat-buhat niya ito sa kanyang mga braso habang tulog na tulog at nakaunan ang ulo sa kanyang kanang balikat. Pumasok si Theo sa bahay. Naabutan niya sa loob si Ronnie na nakaupo sa sofa. Lumingon ito sa kanya nang maramdaman nito ang presensya niya. “Nandito ka pala,” ani Theo saka niya isinara ng dahan-dahan ang pintuan at tumayo malapit rito. Tumayo naman si Ronnie. In-off niya muna ang TV saka niya nilapitan si Theo at tumayo siya sa harapan nito. Tiningnan din niya si Theodore. Sumilay ang maliit na ngiti sa labi niya. “Tulog na tulog si Theodore. Masyado ba siyang napagod sa paglalaro?” tanong ni Ronnie saka niya tiningnan ulit ang mukha ni Theo. “Oo,” sagot ni Theo na may kasama pang pagtango ng ulo. “Maghapon kasi kaming nagl

