Maaliwalas ang panahon ngunit hindi ganoon ang pakiramdam ni Theo. Nakakabingi ang katahimikan sa paligid niya. Nakatitig ang kanyang mga mata sa dalawang lapida na nakadikit sa pinaglilibingan ng kanyang mga namayapang magulang kung saan nasa harapan siya nito ngayon. Mababanaag ang kalungkutan sa kanyang buong mukha.
Lumipas ang mga minuto, huminga nang malalim si Theo. “I’m sorry, Ma at Pa. Napako ang pangako ko sa inyo,” malungkot na wika niya.
Nangako noon si Theo sa mga magulang niya na kapag ikinasal siya, habambuhay na magiging masaya ang pagsasama nila ng taong mahal at pinakasalan niya. Pinangako niyang iingatan ang kanilang relasyon at gagawin ang lahat para ang sinumpaan sa harapan ng altar ay matutupad hanggang sa kahuli-hulihan. Hindi niya gusto na mag-alala ang magulang niya kapag bumuo na siya ng kanyang pamilya.
Nasisiguro ni Theo na nakikita ng kanyang mga magulang ang mga nangyayari at sitwasyon nila ni Sofia. Katulad niya, sa tingin niya ay nalulungkot rin ang mga ito. Ginagawa naman niya ang lahat para maisalba ang relasyon nila ni Sofia. Nagtitiis siya sa sakit at paghihirap ngunit wala pa ring nangyayari.
Nais ni Theo na ipaglaban si Sofia, pero kung gagawin niya ‘yon, natitiyak niya na hihiwalayan siya nito at ayaw niyang mangyari ito. Marahil ay malaking duwag siya pero handa siyang alisin ang tapang niya huwag lamang siyang maiwan ng kanyang misis. Masakit sa kanya ang biglaang pagkawala ng magulang noong siya ay seventeen years old pa lang at matinding hirap din ang dinanas niya bago narating ang kung anong meron siya ngayon ngunit higit sa trauma na naranasan niya ay ang takot na maiwanan. Ayaw na niyang maiwan, ayaw niyang mag-isa muli gaya ng naranasan niya noon kaya handa siyang magtiis sa lahat.
Ningitian ng tipid ni Theo ang kanyang mga magulang na hindi niya inalisan ng tingin. “Huwag kayong mag-alala sa akin, kaya ko pa naman ang sitwasyon. Gabayan niyo na lamang ako at huwag niyo akong pababayaan,” hiling niya na tila kausap lamang niya ang kanyang magulang.
Hindi na ulit nagsalita si Theo kaya muling namayani ang nakakabinging katahimikan sa paligid. Matagal pa siyang nanatili sa sementeryo kung saan nakalibing ang kanyang mga magulang.
---
Kakatapos lamang magluto ni Theo ng kakainin nila ni Sofia sa hapunan. Saktong paglabas niya ng dining area dahil inihahanda na niya ang lamesa para sa pagkain nang bumukas naman ang pintuan ng bahay. Napangiti siya dahil nakita niya ang kanyang misis ngunit kaagad ding nawala ang ngiting iyon dahil kasunod nito ang lalaking hindi man nakikita sa kanya pero kinasusuklaman niya sa kanyang kalooban. Galing sa opisina ang mga ito dahil nakasuot pa ng office attire si Sofia habang ang lalaki nito ay nakasuot pa ng kulay navy blue na suit at tie na sa kanyang palagay ay mamahalin.
Ningitian ni Sofia si Theo nang tingnan niya ito. “Dito kami kakain ni Hon. Nakahanda na ba ang hapunan?” tanong niya.
Tinango na lamang ni Theo ang kanyang ulo bilang sagot. Lihim siyang napatingin sa lalaki ni Sofia. Nangingiti ang labi nito habang nakatingin sa kanya na tila inaasar siya.
“Hon, nakahanda na ang hapunan. Tara at kumain na muna tayo,” aya ni Sofia na tiningnan ang lalaki niya. Muli rin niyang ibinalik ang tingin kay Theo. “Ewan ko ba kay Hon, marami namang resto diyan sa labas pero gustong-gusto niya na dito kumakain sa bahay,” kanya pang dugtong.
“Masarap kasi ang mister mo... I mean... ang lutong bahay na niluto ng mister mo,” nangingiting sambit ng lalaki ni Sofia. Mas lalong naiinis si Theo kapag naririnig niya ang boses ng lalaki. Halata ang kahambugan sa boses nito.
Natawa na lamang si Sofia sa pagbibiro ng kabit niya.
“Pare, sabayan mo na kaming kumain,” pag-aaya ng lalaki saka nilapitan pa at inakbayan siya.
Napapiksi si Theo saka nilayuan ang kabit ni Sofia na naging dahilan para mabitawan siya kaagad nito. Nakaramdam siya ng pandidiri sa pag-akbay nito sa kanya. ‘Bwisit!’ inis na inis na sigaw pa niya sa kanyang utak.
Natawa na lamang ang kabit ni Sofia.
“Mauna na kayo. Busog pa ako,” sagot ni Theo nang tingnan niya si Sofia. Umalis siya sa harapan ng mga ito at nilagpasan sila saka naglakad papunta sa sala.
Naririnig ni Theo sa sala na nagtatawanan ang dalawa mula sa dining area. Umayos siya sa pag-upo sa mahabang sofa. Hindi tuloy siya makapag-pokus sa pinapanood niya sa TV na nasa harapan kahit ang totoo ay hindi naman talaga siya nakapokus doon. Napahinga na lang siya ng malalim.
“Saan kaya kumukuha ng lakas ng loob ang lalaking iyon para makaharap pa sa akin na parang wala siyang ginagawang masama?” bulong na tanong ni Theo sa hangin. Isa iyon sa pinagtatakhan niya. Hindi niya alam kung makapal lang ba talaga ang mukha nito o ano. “Makapal nga siguro ang mukha at halang ang bituka kasi nasisikmura niyang kumabit sa babaeng may asawa na,” sabi pa niya. “Mukha naman siyang may pinag-aralan pero asal-walang pinag-aralan ang ginagawa niya,” bulong pa niya.
Napapalatak na lang ng mahina si Theo. Tinitigan niya ang naka-on na telebisyon sa harapan.
Lingid sa kaalaman ni Sofia ay inalam ni Theo ang pagkakakilanlan ng lalaki nito na ilang buwan na ring nagpupunta dito sa bahay nila. Sa totoo lang, ito ang pinakamatagal na naging kabit ng kanyang asawa at ewan niya kung bakit hindi na napalitan o iniwanan ito.
Nalaman ni Theo na ang lalaking iyon ay si Ronniel Esquivel, bente-syete anyos. Ronnie ang palayaw nito. Galing ito sa mayamang pamilya. Sila lang naman ang may-ari ng pinakamalaking kumpanya sa bansa, ang Esquivel Group of Companies na lahat ng negosyo ay meron sila. Mula sa damit at sapatos, sa appliances, sa gadgets, sa pagkain, malls, langis at marami pang iba. Simula ng mamayapa ang ama nito dahil sa liver cancer ay ang ina nito ang namahala sa kumpanya ngunit dahil na rin sa kumplikasyon sa sakit na breast cancer, kahit maraming pera ay wala naman iyong nagawa, hindi nagtagal ang pamamahala nito dahil namayapa na rin ito at sa ngayon, si Ronnie na ang Chairman and CEO at siyang namamahala sa malaking kumpanya nila dahil nag-iisang anak lang rin naman ito at tagapagmana ng lahat ng meron ang pamilya nila. Sa kumpanya nito pumapasok si Sofia bilang secretary mismo nito.
Sa palagay ni Theo ay kaya hindi mahiwalayan ni Sofia si Ronnie ay dahil sa yaman na meron ito. Napangiti siya ng mapait dahil sa aspeto pa lang na iyon, talong-talo na siya.
“Theo, ikaw na ang magligpit ng mga pinagkainan namin. Aakyat lang kami sa kwarto,” utos ni Sofia na hindi niya namalayang nasa likod na pala ng sofa na inuupuan niya. Lumingon siya rito at nakita niyang nasa likod din nito si Ronnie na nakatingin na naman sa kanya na ngumingiti na naman ng maliit ang labi.
Iniwas ni Theo ang tingin kay Ronnie at tiningnan si Sofia. “Okay,” sagot na lang niya na may kasamang pagtango pa ng ulo.
Tiningnan ni Sofia si Ronnie. “Halika na, Hon. Alam ko naman na hot na hot ka na sa akin,” malanding aya nito na tinawanan naman ni Ronnie.
Iniwas ni Theo ang tingin niya sa dalawa. Huminga na lang siya ng sobrang lalim. Pamaya-maya ay narinig niya ang mga yabag ng dalawa hanggang sa makaakyat na ang mga ito at pumunta sa kwarto. Nagbuntong-hininga na lamang siya muli dahil isa na namang gabi para sa dalawa ang mangyayari sa loob pa mismo ng kwarto nila mag-asawa. Wala na naman siyang magawa kundi ang bumuntong-hininga na lamang magdamag.
Lumipas ang mga minuto ay tumayo si Theo. Kinuha niya ang remote na nakapatong sa center table saka in-off ang TV. Muli niyang inilapag ang remote sa mababang lamesa saka nagpunta siya sa dining area. Nakita niya sa ibabaw ng lamesa ang pinagkainan ng dalawa na hindi man lang nag-abala na ilagay man lang sa lababo. Bahagya na lang siyang napailing.
Nilapitan ni Theo ang lamesa saka isa-isa niyang niligpit ang mga pinagkainan pwera lang ang mangkok ng niluto niyang adobo at ang bandehadong pinaglalagyan ng kanin dahil ilalagay lang muna niya sa lababo ang mga gamit na plato at kubyertos saka siya kakain mag-isa.
---
Abala sa paghuhugas ng mga pinagkainan si Theo sa lababo. Kakatapos lang niyang kumain at habang ginagawa niya ang mga iyon, rinig na rinig niya ulit ang wild na pag-iisa ng kanyang misis at ng kabit nito na si Ronnie. Kalabog dito at kabalog doon ang mga gamit na bumabagsak sa sahig.
Napapailing na lamang si Theo. Patuloy siya sa paghuhugas ng plato ng may diin. Maraming minuto pa ang lumipas ay tumahimik na sa taas.
“Tapos na siguro sila,” bulong ni Theo.
Binabanlawan na ni Theo ng tubig ang mga plato nang mapalingon siya sa kabilang side ng lababo. Nakita niya si Ronnie na nakatingin sa kanya at nakangisi ang labi. Nakalitaw ang itaas na bahagi ng maganda nitong katawan dahil twalya lamang ang saplot nito sa katawan. Medyo namamawis ito dahil na rin sa kakatapos lang nila ni Sofia sa mainit na pag-iisa at medyo mainit pa ang pakiramdam niya.
Umiwas nang tingin si Theo mula kay Ronnie at nagpatuloy lamang sa ginagawa. Hindi niya pinapansin ang presensya ni Ronnie na ramdam niyang nakatingin pa rin sa kanya.
“Ako nga pala si Ronniel, Ronnie for short,” pagpapakilala ni Ronnie kay Theo. Ngumiti siya. “Siguro kilala mo na ako dahil hindi na rin naman ako bago dito sa bahay niyo,” sabi pa niya. “I’m sure na minsan na ring nabanggit sa’yo ni Sofia ang pangalan ko,” aniya pa.
Nananatiling tahimik lang si Theo habang binabanlawan ng tubig ang isa pang plato.
“You know what? Gwapo ka naman,” pagpuri ni Ronnie na hindi naman ikinatuwa ni Theo. “Bakit hindi mo na lang hiwalayan si Sofia at bumingwit ng ibang babae hindi ‘yung nagpapakatanga ka pa sa kanya?” tanong niya pa na ikinatingin muli ni Theo sa kanya. Nawalan ng emosyon ang mukha ni Theo.
Sumeryoso ang mukha ni Theo. “Bakit mo naman sinasabi ‘yan? Para maging malaya na kayo?” seryosong tanong din niya saka umiwas muli nang tingin.
Mahinang tumawa si Ronnie na ikinaasar ni Theo. “Isa rin ‘yan sa dahilan pero sa totoo lang, naaawa ako sa’yo. Masyado kang nagpapakatanga sa isang babaeng hindi naman dapat katangahan,” aniya. “Yes, maganda si Sofia at masarap ding kalaro sa kama. Ang galing-galing niya, pero hindi siya ‘yung tipo ng babae na handang pagbuwisan ng buong buhay at pagmamahal,” saad pa niya.
Dumiin ang paghawak ni Theo sa plato at sponge. “Hindi ko kailangan ang awa mo,” sobrang hina na bulong niya. Mas lalo siyang nagalit dahil sa mga sinabi nito.
“Sinasabi ko lang ang totoo kaya huwag kang magalit sa akin,” ani Ronnie. “Alam mo, pwede naman tayong maging magkaibigan-”
“Hindi ako nakikipagkaibigan sa g*go,” mabilis na wika ni Theo. Mababakas ang diin sa boses niya. Hindi niya napigilang mailabas ang galit kahit sa salita lang. Tiningnan niya ng masama si Ronnie na nakatingin pa rin sa kanya kaya nagtagpo ang mga mata nila. “Hindi ako nakikipagkaibigan sa kabit ng asawa ko na sumisira sa aming dalawa,” sabi pa nito.
Ngumiti nang maliit si Ronnie. “Bakit naman hindi? Uso naman iyon ngayon. Mabuti ka pa nga alam mo na ako ang kabit ng asawa mo kaya at least hindi ka na maghihinala at mai-stress sa kakaisip kung sino ako,” aniya pa na tila nagmamalaki pang nagpakilala siya kay Theo.
Iniwas ni Theo ang tingin niya kay Ronnie. Iniling na lang din niya ang kanyang ulo saka ipinagpatuloy ang paghuhugas ng plato.
Abala na si Theo ng pamaya-maya ay manlaki na lamang ang mga mata niya sa gulat dahil hindi niya namalayan na nasa likod na pala niya si Ronnie at ang mas ikinagulat niya ay ang pagdiin nito ng sariling katawan sa likod niya, lalo na ang bukol nito na ramdam na ramdam ni Theo na bumubundol sa bandang pwetan niya. Hinawakan pa ni Ronnie ang mga braso niya at dahan-dahang hinagod doon ang malalaking kamay nito pataas hanggang sa mahawakan nito ang biceps niya. Napalunok at nanginig si Theo sa ginagawa nito. Tinatayuan siya ng... balahibo.
“Tulog na ang asawa mo,” bulong ni Ronnie sa kanang tenga ni Theo. Nang-aakit ang tinig nito na kumiliti sa tenga ng huli at lalong nagpatayo sa balahibo niya sa batok.
Ramdam ni Theo ang init ng hininga ni Ronnie na ibinubuga ng bibig nito na malapit sa likod ng kanyang batok at dumadampi saka kumikiliti sa kanyang balat. Mas lalong nito idinidiin ang sarili sa kanya na mas lalo niyang ikinakagulat at ikinatataka. Hinawakan pa ng mga kamay nito ang baywang niya na nagpapiksi sa kanya.
“A-Ano bang ginagawa mo?” may inis na tanong ni Theo. Nainis siya sa sarili dahil nautal siya.
Hindi sumagot si Ronnie sa halip ay dinilaan nito ang gilid ng kanang tenga ni Theo at bahagya pang kinagat. Nagulantang si Theo sa ginawa ni Ronnie kaya nabitawan niya ang kanyang mga hawak sa lababo.
Sumilay ang magandang ngiti sa labi ni Ronnie. Kinagat pa niya ang kanyang ibabang labi. Tinitigan niya ang batok ni Theo. Ipinikit niya ang kanyang mga mata saka inamoy iyon. Nagustuhan niya ang natural na amoy ng katawan ni Theo na lalong nagpabuhay sa kanya. Didilaan naman sana niya ang maputing batok ni Theo ngunit nagulat na lang siya nang bigla itong pumiglas mula sa kanya dahilan para mabitawan niya ito saka siya nito malakas na itinulak palayo.
“G*go ka!” nanggagalaiti na sigaw ni Theo nang harapin niya si Ronnie. Napakasama ng tingin niya kay Ronnie na pangiti-ngiti naman habang nakatayo.
Mabilis na iniling-iling ni Theo ang kanyang ulo saka iniwanan si Ronnie na sumunod naman ang tingin sa kanya.
“Makukuha rin kita gaya ng asawa mo,” bulong ni Ronnie. “Lahat ng gusto ko, nakukuha ko,” nangingiting sabi pa niya. “At isa ka sa mga gusto kong makuha,” kanya pang bulong habang nakatingin pa rin sa dinaanan ni Theo.