Nakaupo sa kanyang swivel chair si Theo. Panay ang sulyap niya kay Ronnie na nakaupo rin sa swivel chair nito. Mababanaag sa kanyang mukha ang matinding pagtataka. “Ano kayang nangyari sa kanya?” nagtatakang bulong ni Theo sa hangin. Titingin, iiwas, titingin, iiwas. Paulit-ulit na ginawa ‘yon ni Theo kay Ronnie. Labis ang pagtatakang nararamdaman niya dahil simula nang bumalik si Ronnie sa opisina kanina at naupo sa swivel chair nito ay nakatulala lang ito at sa kanyang palagay ay nag-iisip ito ng malalim. Nagtataka tuloy siya at hindi niya mapigilang isipin na baka may nangyari kaninang kakaiba sa paglabas nito ng hindi niya alam. “Baka naman na-engkanto,” bulong pa ni Theo. “Luh, naisip mo pa talaga iyon, Theo?” Humagikgik pa ito dahil sa sinabing kalokohan. Kung ano-anong naiisip ni

