Nasa loob ng isang bungalow type na bahay sila Todd at Rovic. Nakatayo ito sa gitna ng malawak na bakuran kung saan nakapalibot dito ang may kataasang bakod na gawa sa kawayan, nakatanim sa lupa ang iba’t-ibang klase ng mga halaman at mga bulaklak na nagbibigay ng ganda at preskong hangin sa buong paligid. Tiningnan ni Rovic si Todd na nililibot naman ang tingin sa kabuuan ng bahay habang sila’y nakatayo sa pinakagitna. Sumilay ang magandang ngiti sa kanyang labi. “Nagustuhan mo ba ang bahay?” tanong ni Rovic kay Todd. Tinapunan nang tingin ni Todd si Rovic saka niya ito ningitian. “Oo, maganda ang bahay saka fresh ang air,” aniya. “Malamig kaya lalo kong nagustuhan ang hangin,” wika pa niya. Natawa naman ng mahina si Rovic. “Sanay na sanay ka na sa lamig,” wika niya. Tumawa rin si To

