CHAPTER 51

2967 Words

Matapos ang maghapong pananatili nina Theo, Sofia at Theodore sa bahay ni Teresa ay nagpasya na rin silang umuwi. Gusto na sanang isama ni Theo ang nanay niya ngunit tumanggi ito sa kanya at sinabing hindi nito gustong iwanan ang bahay kaya nangako na lamang siyang dadalawin niya ito ng madalas para hindi rin nila masyadong ma-miss ang isa’t-isa. “Bakit bukas na ang pintuan at ang ilaw?” tanong ni Sofia habang kumukunot ang kanyang noo at nagsasalubong ang kilay niya habang nakatingin sa pintuan na kabubukas lang niya. Ngumiti nang maliit si Theo. “Tumawag sa akin kanina si Ronnie at hinahanap tayo. Sinabi ko sa kanya na pumunta tayo kay nanay kaya naman naisip niya na maghintay na lang daw siya rito at matulog muna tutal may sarili naman siyang susi ng bahay,” aniya. “Ahhh,” ani Sofia.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD