Dali-daling isinisilid ni Sofia ang mga damit at gamit niya sa maleta na nakapatong sa kama. Hindi dapat siya maabutan ni Theo na nandito pa sa kwarto at sa bahay na ito. Nasa grocery kasi ito at namimili at ngayon lamang siya nagkaroon ng pagkakataon para magawa ang plano niyang dapat noon pa niya naisakatuparan ngunit lagi siyang nawawalan ng tyempo. Sigurado kasing pipigilan siya ni Theo once na mahuli siya. Hindi na nag-abala pang ayusin ni Sofia ang paglalagay ng mga gamit niya, saka na lamang niya ito aayusin kapag nakalayo-layo na siya at naging malaya na. Kaagad na isinara ni Sofia ang kanyang maleta ng malagay na niya ang halos lahat ng gamit niya, pinilit niya pa itong isara dahil sa dami ng inilagay niya tapos magulo pa ang pagkakalagay kaya nahihirapan siyang isara ang lock n

