Hila-hila ni Primo ang maleta habang nakasukbit naman sa mga balikat niya ang backpack na dala niya. Naglalaman ito ng mga gamit niya na dala sa pag-uwi niya rito sa bahay nila ni Sofia. Hindi niya naasikaso kaagad ang pag-aayos sa mga gamit niya at nakita na lamang niya ang mga ito na nasa isang sulok ng living room. Paakyat na sana si Primo sa hagdanan pero napatigil siya nang makita niya si Sofia na pababa naman. Nang makita siya nito na dala ang mga bags ay dali-dali itong bumaba para makalapit sa kanya. “Hindi mo pa pala naaayos ang mga gamit mo,” ani Sofia. Ngumiti nang maliit si Primo. “Si Theodore?” tanong niya kay Sofia. “Tulog na siya,” sagot ni Sofia. Bahagyang tinango ni Primo ang kanyang ulo. “Saan nga pala ang magigig kwarto ko?” tanong niya kay Sofia. Napangiti naman s

