Nakaupo sa magkabilang gilid ng kama sina Primo at Raynald. Sa kanan si Primo at sa kaliwa naman si Raynald. Pinagtutulungan nilang tiklupin ang mga damit ng una na nasa gitna at ibabaw ng kama na siyang dadalhin nito sa pag-alis. “Alam mo bang ang daya mo?” tanong ni Raynald kay Primo. Tiningnan ni Primo si Raynald. Kinunutan niya ito ng noo. “Bakit naman ako naging madaya?” nagtatakang tanong niya. Sumimangot si Raynald. “Kasi naman ngayon mo lang sinabi sa’kin na aalis ka na pala kinabukasan,” may himig ng pagtatampo na sabi niya. “Hindi ko tuloy mapigilang isipin na kinaibigan mo lang ako kasi kailangan mo ko at hindi dahil kaibigan talaga ang tingin mo sa’kin,” pagdadrama niya pa. Natawa naman si Primo sa sinabi ni Raynald. “Tapos tinatawanan mo pa ko. Tsk! Tsk! Tsk!” sunod-sunod

