“Saan ba kasi tayo pupunta?” pang-ilang tanong na ni Primo kay Ronnie na siyang nagda-drive ngayon ng kotse nito at binabagtas ang daan papunta sa kung saan. “Huwag mong sabihin na sa malayo mo na naman ako dadalhin,” aniya pa. Kanina pa sila nasa byahe, nananakit na nga ang pwetan niya dahil sa matagal na pag-upo sa passenger seat. Sandaling sinulyapan ni Ronnie si Primo na nakatingin sa kanya nang nagtataka. Ningitian niya ito saka bumalik rin ang tingin sa daan. “Masyado ka talagang mainipin,” aniya saka mahinang tumawa. “Basta malalaman mo rin kung saan tayo pupunta,” wika niya. “Pwede mo naman kasi sa akin sabihin kung saan, may pa-suspense ka pang nalalaman,” inis na sabi ni Primo sabay iwas nang tingin kay Ronnie at tinuon na lamang ang mga mata sa labas ng bintana. Ngumiti ulit

