Bata pa lamang si Ronnie ay may nararamdaman na siyang kakaiba sa kanyang sarili. Sa una ay wala lang sa kanya ang mga kakaiba niyang nararamdaman, kung bakit siya humahanga sa kaparehas niyang batang lalaki ngunit noong siya ay nagbinata na, doon na nagsimula ang pagkalito niya sa kanyang sarili at kalooban. Pumasok sa kanya ang sinasabing curiosity. Sa edad na seventeen, doon niya napatunayan na iba siya kumpara sa ibang mga binata na nakakasalamuha niya, na kaya siya humahanga at nagkakaroon ng atraksyon sa kaparehas niya ng kasarian ay dahil sa isa siyang alanganin. Katulad ng mga magulang ni Ronnie, hindi rin niya ito matanggap noong una. Pilit niyang ipinapasok palagi sa kanyang isipan na tunay siyang lalaki at babae ang hanap niya ng kanyang mga mata at damdamin na siyang ring pala

