Inihatid ni Primo sa terminal ng bus sila Sofia at Theodore. Buhat-buhat ng huli ang bata habang ang una naman ang may dala ng backpack na bagaheng dala ng dalawa paluwas sa syudad. Ngayong araw ang pag-alis ng mga ito at pagbabalik sa probinsya. Tiningnan ni Primo si Theodore na mababanaag ang lungkot sa cute na mukha. Ningitian niya ito saka kinurot ng mahina sa kanang pisngi at hinimas ang tuktok ng ulo nito. “Huwag ka nang malungkot, nag-promise naman ako sa’yo na susunod ako sa inyo, ‘di ba? Tutuparin ko ang promise na ‘yon, okay?” tanong ni Primo kay Theodore. Ngumuso naman si Theodore. “Sama ka na lang kasi sa amin, papa,” aniya. Pinipilit talaga nitong sumama sa kanila si Primo. “Promise, pupuntahan kaagad kita kapag naayos ko na ang lahat. Sa ngayon, magtawagan na lang muna ta

