Nasa loob ng laundry shop si Primo. Nakaupo siya sa una sa tatlong row ng mga upuan na nakapwesto sa gitna habang nakatingin sa harapan kung saan nandoon naman ang mga heavy duty at malalaking washing machines na gawa sa pure stainless. Nakalagay ang mga damit niya sa pang-pito kung saan umiikot-ikot na ito roon at nililinis ang kanyang mga maruruming damit. Linggo-linggo ay pumupunta si Primo sa laundry shop para maglaba at mag-dryer na rin. Marunong naman siyang maglaba ngunit naisip niya na mas convenient para sa kanya kung dito siya maglalaba dahil bukod sa hindi na siya gagamit ng sariling kuryente, maghihintay na lamang siya na matapos ang labahan. Ang iisipin na lamang niya ay ang sabon, fabcon at bleach na gagamitin niya. Self-service din dito pero hindi naman mahirap para sa kany

