Nililibot nang tingin ni Primo ang loob ng bahay ni Rovic. Isang palapag lamang ito at malawak ang espasyo. Sa palagay niya ay pwede itong tirhan ng dalawang hanggang tatlo katao. Malinis at mabango saka maayos ang mga gamit sa loob. Dirty white ang namamayaning kulay ng mga dingding. Hinahati ng mga pader na nakikita niya ang bawat bahagi ng bahay gaya ng kwarto na sa bilang niya ay dalawa, may kusina at nakahiwalay ang dining area. Mayroon ding banyo na malapit lang sa kusina. Sa pagpasok naman sa bahay, sa kaliwang bahagi ay makikita ang living room. Magkahalong luma at mga bagong kagamitan. Nakakita rin siya ng koleksyon ng mga robot na nakalagay sa isang malaking shelf na nasa gilid ng sala. Napangiti si Primo na nakatayo sa bandang gitna. “Mahilig ka pala sa mga robot?” pagtatanon

