Nakaupo sa paanan ng kama si Primo na nasa loob ng kanyang madilim na kwarto. Nakatingin siya sa kawalan at halatang malalim ang kanyang iniisip sa gitna ng dilim dahil walang naka-on na ilaw. Hanggang ngayon ay iniisip ni Primo ang mga sinabi sa kanya ni Ronnie kanina sa park. Hindi niya maitatanggi na puno siya ng kaba dahil sa napipinto niyang pagbabalik sa mga taong nakalimutan ng kanyang isipan. May bahagi sa kanya na gustong bumalik ngunit mas nangingibabaw ngayon ang pag-atras lalo na at nalalapit na ang takdang araw na iyon. “Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Paano ko ba sila haharapin gayong ganito ang kondisyon ko? Paano ko haharapin ang pamilya ko daw na nakalimutan ko?” Mula naman sa kusina ay lumabas si Ronnie na may dalang baso na iniinuman nito ng tubig. Napatingin si

