" Ma'am Em!" Tawag ng hinihingal namin na kasama sa bahay na si Josan. Nasa edad bente anyos pa lang ito at nag-aaral under sa scholarship mula sa aming mag asawa. Tanging ang dalaga na si Josan lang ang nakasundo ng isa sa kambal. SI Darria Ellise naman ay mabait talaga na bata,masunurin din at hindi pihikan sa mag-iintindi sa kanya lalot wala ako sa bahay, mabait din naman si Dasha Errine ang kaso ay basta iba ang isang 'yun na anak namin. " S-sir Darius! S-si Dasha po!" Nakakaawa na tingnan ang dalaga, sa itsura niya ngayon ay mukhang dumaan siya sa matinding takot, pagod at kalituhan kung ano ba ang dapat niyang gawin. “ What happened?” Kalmadong untag ko sa babae natuloy tuloy pa rin ang paghabol ng hininga. “ Ma’am kayo na po ang tumingin please po!” Halos maiyak na sabi ni Josan

