HIndi na namin inabutan si Dasha sa mismong pwesto nito dahil pumasok na agad ito sa loob ng aming bahay. Nais ko sana na sundan ang aking anak ng mga oras na 'yun ngunit panay naman na ang dating ng mga bisita namin. Luminga-linga ako para sana hanapin si Josan ngunit wala na ito. Siguro ay kaagad naman nito na sinundan si Dasha. Si Josan ay pamilya na sa amin dahil wala naman na rin itong pamilya . Alam ko na ang posibleng mangyayari sa pagitan nilang dalawa. Malalang panunuyo na naman ang ganap sa dalawa. Mabit talaga si Josan kay Dasha, parang Ate na Ate talaga sa mga anak namin kaya naman napalapit na rin talaga sa amin ang dalaga . Bukod sa akin ay sobra ang tiwala ni Dasha sa Ate Josan niya na nasasabihan niya ng kung anu-ano. Nagdatingan na ang iba naming mga kaibigan kaya parang

