Natawa ako sa sinabi ni Jude... "I'm not a blessing," tumingin ako sa langit. "Kung blessing ako, bakit lahat ng taong importante sa akin ay nawawala?" Nagkatinginan kami ni Jude dahil sa aking sinabi. Ngumiti siya ng mapait at hindi sinagot ang aking tanong. Napabuntong hininga ako at tumayo na. Handa na sana akong umalis ngunit hinigit niya ang aking braso. Muli kaming nagkatinginan. "Ako... hindi mawawala sa tabi mo," aniya na puno ng sinseridad. Sinubukan kong mag iwas ng tingin sa kanya ngunit nahuli niya ang aking pisngi. Ang mata ko ay naglalaro kung saan dahil hindi na ako makatingin ng maayos sa kanya. Pinunasan niya ang aking pisngi dahil may bahid pa rin ito ng luha. Pinilit kong magmukhang malakas sa harapan niya dahil alam kong tanging awa lamang ang nararamdaman niya sa

