NAKAUWI kami sa bahay nang hindi nag-iimikan. Hindi ko rin kasi alam ang isasagot ko sa sinabi ni Louie. "Chief, ano ang iniisip mo?" biglang tanong niya, bago pa ako makapasok sa kwarto ko. "Wala naman," tipid kong sagot. Biglang naging seryoso ang mukha niya at tinitigan niya ako nang mabuti na para bang sinusuri niya ako. Nakaramdam na rin ako ng ilang sa pagkakatitig niya. I have a crush on him for Pete's sake! Oo na! Inaamin ko na. May crush ako sa kanya. "I have this feeling that you are starting to avoid me again," malungkot niyang sabi. "Ano ba ang pinagsasabi mo, Corps? Hindi kita iniiwasan," sagot ko. Ngumiti lang siya, 'yong ngiting hindi abot hanggang sa mata. "Hindi talaga kita iniiwasan. Selfie na lang muna tayo. Naghahanap na naman ng ebidensiya si tatay kung nakauwi

