Kasalukuyang pinagmamasdan ko ngayon ang nakatulalang si Commander Louie. Alam kong masakit pa rin sa kanya ang lahat ng nangyari. Kaya ang tangi ko na lang na magagawa sa kanya ay ang samahan siya. "Marami kaming pangarap. Nang dahil lang sa aksidente— naiwan na akong mag-isa..." "Corps., ganiyan talaga ang buhay. Ganyan din ang naramdaman ko nang magka-isip ako at lubusang naintindihan na wala na si nanay." "I know I need to be strong for them. Kasi alam kong ayaw nilang ganito ako." "Tama iyan. We need to continue living for them." "Yeah, we must... Even though it's hard." "Kumain na muna tayo," anyaya ko, sabay upo sa sofa. Kaya magkatabi na kami ngayon. "Where are you going?" tanong niya bigla. Nang tumayo ako mula sa sofa. "Magluluto lang ako," paalam ko sa kanya. "Sama ako,

