"CHIEF, pasensiya ka na kung medyo naghintay ka ng matagal, ha? Last practice na namin kanina, e. Bukas na kasi ang fancy drill." Ngumiti lang ako nang tipid sa kanya. Sobrang bilis ng mga araw. "Ayos lang, Corps. Hindi ba sabi kong unahin mo ang pagiging Corps Commander mo? Paano ka makakapag-focus kung ako palagi ang iniisip mo?" Tiningnan niya ako na may halong pagtataka. "May problema ba tayo, Chief?" Kilalang-kilala niya na nga talaga ako. "Wala. Medyo masama lang ang pakiramdam ko." I lied. Iniisip ko pa rin kasi ang sinabi sa akin ni Glythel. Tama si Glythel; distraction ako kay Louie. Hinawakan ni Louie ang kamay ko at sabay kaming naglakad palabas ng Nevros. Tahimik lang kami habang naglalakad. Ayaw ko muna siyang kausapin sa takot na baka masira ko ang araw niya. Alam ko na

