"BUMALIK na pala si Ma'am Glythel, 'noh? Kaya pala busy-busyhan si Corps Commander Louie kahapon, e! Bumalik na ang partner niya," rinig kong sabi ng babae na nadaraanan ko. At ano araw? Kahapon? May NohsGotTalent kahapon. Kaya ba hindi siya nakasipot ay dahil busy siya sa pagdating ng sinasabi nilang Glythel? Mas lalong sumama ang loob ko sa kanya. Kaya naman pala ako ini-chapwera— dumating pala ang partner niya. Now I know. Sino ba naman ako sa buhay niya? Masyado yata akong nag-assume sa mga ipinapakita niya. Malamang ginagawa lang niya iyon kasi binabantayan niya ako. He only see me as his obligation. Ngayong bumalik na ang partner niya ay back to normal na ulit ang trato niya sa 'kin. Babalik na siya sa babaeng mahal niya. Naging rebound lang ba ako? O Distraction dahil wala pa

