"CHIEF, hinintay kita sa hallway na dumaan kanina," sulpot ni Louie sa harapan ko. "Doon kami ni Edchelle dumaan sa likod," I said with a monotone voice. "Gano'n ba? May ipapakilala pa sana ako sa 'yo," nakangiting sabi niya. Bakit? Bati na ba kami? May amnesia yata ang sundalong 'to. "Saka na. Marami pa akong gagawin. Mauna na ako, Corps." "Sandali lang, Vera. Ihahatid na kita," pagpupumilit niya pa. Ayoko muna siyang makasama o makasabay baka kasi makalimutan ko na namang iwasan siya. At ngayon Vera na lang ang tawag niya sa akin? Hindi na chief? Iba nga naman ang nagagawa ng presensiya ni Glythel. "Huwag na." "Chief, nagtatampo ka pa rin ba? Sorry na. Kausapin mo naman ako, please." Gentleman lang talaga siguro si Louie, at ayaw niyang may masama ang loob sa kanya. "Hindi ako g

