Nabigla siya sa ginawa ng binata. Lumayo siya rito bigla nang maramdaman ang pagnanasa nito. Alam niya kung gaano siya kadali matukso ng lalaki na ito. "S-Sorry 'di ko alam na bagong labas ka lang sa banyo. Sige aalis na ako," ani Luisa kay David. "May sasabihin ka? mukha ka yatang kinakabahan," nakangiti na sinabi ng mapagbiro na binata. "Ah, wala ito at silipin ko pa mga bata." pagsisinungaling ni Luisa. Tumalikod na siya nang hinatak siya ni David kaya natigilan ang dalaga. Niyakap siya ng binata kaya tinulak niya ito saka napaatras sa likod ng pinto. "David 'wag tayo gumawa ng bagay na ikagalit ni tatay," saad ng dalaga na para nang kinakabahan. Hinawakan ni David ang baywang niya sabay hawak sa kan'yang batok at siniil siya nito ng isang nagbabaga na halik. "David please lang

